Cardinal, guilty sa sexual abuse
HINATULANG guilty sa multiple child sex offenses ang cardinal na nagsisilbing treasurer sa Vatican.
Ang akusado ay kinilalang si Australian Cardinal George Pell, 77.
Kaugnay ito ng kasong sexual penetration of a child at apat na kasong indecent act mula noong 1990.
Dahil dito, si Pell ang itinuturing na most senior Catholic official na napang guilty sa kasong may kaugnayan sa child sex offenses.
Gayunman, nagsimula ang paglilitis kay Pell noong Nobyembre 2018 ngunit, hindi pinayagang ilabas sa media.
Isang lalaki ang iniharap sa korte at nagsabing siya at may isa pa ay biktima ng sexual abuse kung saan si Pell ang suspek.





Comments