Anak na buntis uli, dedma sa madir… JACLYN, NAGPATUTSADA NA KAY ANDI SA SOCIAL MEDIA


Ina rin si Jaclyn Jose at isa nga sa mga anak niya ay si Andi Eigenmann na ngayon ay tipong may “amnesia” sa kanyang ina ‘coz kuntento na itong kasama ang surfer boyfriend at sila ngayon ay naninirahan sa isang isla somewhere in Siargao.
Buntis nga kasi ngayon sa pangalawang baby niya si Andi courtesy of her surfer boyfriend na si Philmar Alipayo at ang first baby naman niya na si Ellie ay happy sa piling ng tunay nitong erpat na si Jake Ejercito.
Nakita pa nga namin ang post nilang mag-ama sa Instagram na masayang namamasyal sa Hong Kong just very recently.
Yayamanin si Jake kaya hindi puwedeng lagyan ng background music na may lyrics that goes… “Namamasyal pa sa Luneta nang walang peraaaa...” na pinasikat noon ni Rico J. Puno (SLN).
‘Niwey, mabalik tayo sa topic na may kinalaman sa ina at anak. Kamakailan lang ay nabasa ni yours truly ang shared post ni Jaclyn Jose that goes… “Hindi nakakampante ang ina kapag malayo ang mga anak n’ya sa kanya. Wala siyang ibang hiling kundi ang kaligtasan at ikabubuti nila at malayo sila sa kahit anong kapahamakan. AMA, PATNUBAYAN MO ANG AKING ANAK.”
Patama quote kaya ito para kay Andi?
If tama ang hinala namin, well, tama lang ang saying na: “Ang ina, hindi natitiis ang anak, pero ang anak, natitiis ang ina.”
Pak, may ganernnn!
Kaya puwedeng kantahan na lang ni Jake si Andi ng awiting may lyrics that goes… “Umuwi ka na, beybi…” kahit hindi sa kanyang loving arms, tsuk pasok!
And take note, dahil nalalapit na ang Semana Santa or Holy Week, swak din ang saying du’n sa 7 Last Words to both Jaclyn and Andi that goes… “Ina, ang iyong anak… Anak, ang iyong ina…” yesss….terday once more, ‘ika nga. Insert smiley,




