HOROSCOPE | PEBRERO 27, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Feb 27, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 27, 2019 (Miyerkules): Inaasahan na magtatagumpay ka sa buhay at ang tagumpay mo ay magiging marami dahil ito mismo ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat mayanig sa mga pangyayaring hindi mo kontrol. Ang mga ito ay mga pagsubok lang dahil tinitingnan ng kapalaran kung gaano ka katatag at katibay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-20-23-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihaharap sa iyo ng langit ang oportunidad na kung iyong susunggaban ay magdadala sa iyo kung saan makahaharap mo ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-27-35-39-44.
GEMINI (May 21- June 20) - Lalabas ngayon ang kakaibang tapang mo na harapin ang mga matagal ng walang magawa kundi ang hadlangan ka sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-21-26-34-37.
CANCER (June 21- July 22) - Masyado ka ng naaapektuhan ng mga problema. Ang payo sa iyo ay nagsasabing, dumikit ka sa malalakas ang loob nang sa gayun ay malabanan mo ang mga pagsubok sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-14-23-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong sayangin ang lakas ng iyong loob, ituon mo ito sa mga bagay kung paano ka mabilis na aasenso. Ang paggamit ng lakas ng loob na walang kinalaman sa kabuhayan ay pagkakamali para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-9-19-25-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumuo ka ng plano bago ka sumugod sa larangan ng pagnenegosyo. Huwag kang tumulad sa marami na nagsasabing ang pagnenegosyo ay simpleng palakasan lang ng loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-13-27-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag kang gumaya sa iba na mas mahal pa ang karelasyon kaysa sa kanilang sarili dahil sa biglang-tingin lang ito tama. Muli, mahalin mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-8-12-27-31-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Atras-abante ang mga suwerte mo dahil ikaw ay natagpuang pabagu-bago ng prayoridad. Hindi na sila aalis sa buhay mo kapag ikaw ay kinakitaan nila ng pagiging desidido. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-13-27-34-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maganda ang takbo ng iyong kapalaran sa mga araw na ito, pero magdahan-dahan ka lang dahil ang mga mabibilis na pagkilos ay maaaring ikadiskaril ng magagandang plano mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-15-28-30-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigla kang tatapang, kaya magugulat ang lahat, pero ang higit na magugulat ay ikaw mismo. Ang mga hindi mo nagawa sa nagdaang mga taon ay magagawa mo na ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-21-26-28-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang kagustuhan ng malapit sa iyo kahit labag ito sa kalooban mo. Ito ay dahil ikaw ang higit na makikinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-18-20-21-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka sobrang kakabahan, ‘yun ang piliin mo dahil dito mo matatagpuan ang tunay na pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-14-17-20-25-43.




Comments