PUMALAG NA TULAK DEDO SA SHOOTOUT
Pabs Hernandez III
Feb 26, 2019
1 min read
CEBU—Isang 56-anyos na drug pusher ang napatay nang makipag barilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Roque, Talisay City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Daniel Manacap, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Manacap, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Agad namang gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta para mapatay ang suspek.





Comments