PINOY TENNIS PLAYERS, SUSUKATIN ANG GALING SA PAGSABAK SA LABAS
- Clyde Mariano
- Feb 26, 2019
- 2 min read

BIBIGYAN ng mahabang foreign training exposures ang mga Pinoy para maha sa at gumaling at makasabay sa kanilang foreign counterparts at higit sa lahat para na rin sa kanilang paghahanda sa darating na Southeast Asian Games kung muli naman silang mapapalaban sa mga manlalarong galing sa sampung mga bansa.
Ayon kay PhilippineLawn Tennis Association (Philta) president Atty. Tony Cabletas hindi masusukat ang galing nang player kung sa local tournaments maglalaro.
Kailangan mag-ensayo sa labas at lumaban sa ganoon ay mas tumaas ang level ng laro.“You cannot gauge the skills of the player if he confines his competition locally.
He has to go outside and play in high level tournaments,” sabi ni Cabletas matapos dumating galing sa Melbourne kung saan ginawa ang prestihiyosong Australian Open Tennis na nilahukan ng mga sikat at bigating tennis players sa mundo.
Nakipag-usap at nakipagtalastasan din si Cabletas sa kanyang Australian counterparts at mga foreign leaders at ipinaalam niya sa kanila ang tungkol sa kanyang grass roots programs sa ‘Pinas.
Balak ni Cabletas na ipadala ang mga Pinoy para mag-training sa China, Japan at Korea.
“Our Asian counterparts trained and competed overseas.
It isproper and logical to train in these countries.
They are the best tennis players in Asia,” pahayag ni Cabletas.
Kasama sa national team sina AJ Lim, Francis Casey Alcantara, Jason Patrombon, Marian Capadocia, Ana Clarisse Patrimonio, at Filipino-German Katarina Lehnert.
Sinabi ni Cabletas na marami siyang programa at palalakasin niya ang grassroots programs para makatuklas mga batang may potentials kung saan marami sa kanayunan na gaya nina Johnny Arcilla at Jason Patrombon na natuklasan sa Mindanao bilang mga “pulot boy.”
Si Arcilla ay natuklasan sa Butuan City at si Patrombon ay sa Iligan.
Naglaro si Arcilla ng maraming beses sa international tennis tournaments at ginawaran plaque of recognition ng Asian Tennis Federation bilang pagkilala sa mahabang paglalaro sa Asian-Oceania Davis Cup Tennis.





Comments