top of page
Pokwang.jpg

OVERPRICED NA WAITING SHEDS, TATALUPAN

V.  Reyes
Feb 26, 2019
1 min read

POSIBLENG maharap sa kasong katiwalian si Alaminos City Mayor Arthur Celeste kapag napatunayang overpriced ang mga waiting shed na ipinagawa sa umano’y pinaboran pang construction company.

Sa inihaing reklamo ng grupong Concerned Citizens of Alaminos City (CCAC)sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC), ang mga kongkretong waiting shed na itinatayo sa iba’t ibang lugar sa Alaminos ay nagkakahalaga umano ngP543,489.49.

Nauna nang inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Alaminos ang P9.3 milyon na mula sa 20% City Development Fund para sa naturang mga proyekto.

Naibigay din umano sa JASA Builders, Inc. ang kontrata sa proyekto na ayon sa CCAC ay pawang mga kapatid ng alkalde ang nagmamay-ari.

Dagdag pa ng CCAC, lumalabas na mas malaki pa ang pondong iginugol sa waiting sheds kumpara sa housing projects na inilaan sa mga nagbabalik-loob na rebelde sa Mindanao na ginastusan lamang ng P320,000, kasama na ang koneksiyon ng tubig at solar lights.

Nagpahayag din ng kahandaan ang grupo na humarap sa PAGC, Ombudsman at DILG kung kinakailangan para palakasin pa ang kanilang kaso laban sa alkalde.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page