Ngayong single na, Clint… CATRIONA, MABENTA NA SA MGA MILYONARYONG NEGOSYANTE
- BULGAR

- Feb 26, 2019
- 1 min read

HINDI na nagugulat pa ang mga netizens kung bakit hiwalay na ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa BF niyang modelo na si Clint Bondad.
Ganito rin kasi ang nangyari kina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger nang manalo ang dating aktres bilang Miss Universe noong 2015.
Biglang-bigla ay lumawak ang mundo ni Queen P. at marami na siyang nakilalang celebrities at influential people. Naging hectic ang kanyang schedule at halos wala nang oras sa kanyang love life. Ang dami-rami na niyang commitments at marami rin siyang product endorsements.
Ganito rin ang senaryo ngayon sa buhay ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray. Kailangan muna niyang i-give-up ang lalaking minahal niya for 6 years dahil sa kanyang obligasyon bilang Miss Universe.
Mas pinili ni Queen Cat ang kanyang korona at popularidad kesa sa kanyang love life. At ‘yun ay naiintindihan ng ex-BF niyang si Clint.
For sure, maraming aaligid na suitors kay Catriona Gray. Kahit prinsipe o mga milyonaryong businessmen, tiyak na gugustuhing maging nobya ang isang Ms. Universe.
Trophy girlfriend ang mga beauty queens na puwedeng idispley sa publiko.





Comments