top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lalo na kung sobrang galit na galit ka na, besh!... TIPS PARA MAKONTROL ANG NARARAMDAMAN

Hiraya
Feb 26, 2019
2 min read

HALOS lahat tayo, eh, umaabot sa punto na nauubos ang pasensiya, kaya hindi natin napipigilan ang ating sarili na gumawa ng mga bagay na pinagsisisihan natin. Pero, mga lodi, knows ba ninyo na keri natin itong maiwasan sa pamamagitan ng simpleng paraan lamang? Hmmm… Para sa mga bro at sis natin diyan na hirap sa pagkontrol ng kanilang emosyon, narito ang tips na siguradong makatutulong sa inyo:

1. COUNT DOWN. Magbilang ka ng simula 10, beshy, kung talagang galit ka na, puwedeng mas mataas pa. Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ito upang bumaba ang heart rate, gayundin, upang mag-subside ang iyong galit.

2. TAKE A BREATH. Inhale, exhale, gawin ito nang mabagal sa loob ng isa hanggang dalawang minuto nang sa gayun ay humupa ang galit na iyong nararamdaman.

3. WALK AROUND. Ayon sa mga eksperto, ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang kumalma ang nerves, gayundin, ang pagbaba ng antas ng galit ng indibidwal.

4. REPEAT A MANTRA. “You’ll be okay”, “take it easy” o “relax”— ang mga salitang ito ay nakatutulong upang kumalma at ma-refresh ang iyong pag-iisip.

5. STRETCH. Keri mo itong gawin kahit nakaupo ka lang, lodi! Ang simpleng neck at shoulder roll lang ay sapat na. Nakatutulong ito upang makontrol mo ang iyong katawan at emosyon.

6. MENTALLY ESCAPE. Paano? Puwede kang pumunta sa tahimik na lugar, ipikit mo ang iyong mga mata at isipin mo na nasa relaxing scene ka. Sa ganitong paraan, mas mabilis na madi-distract ang iyong isipan at tuluyan nang mawawala ang galit na iyong nararamdaman.

7. LISTEN TO MUSIC. Proven na ito! Isuot lamang ang iyong earphones at pakinggan ang mga musikang nakapagpapakalma sa iyo. Ayon sa mga eksperto, hindi mabuti ang pakikinig ng mga heavy metal rock dahil posible umano itong mag-trigger ng anxiety.

8. STOP TALKING. May mga pagkakataong hindi natin nakokontrol ang ating sarili kaya kung minsan, eh, kung anu-anong masasakit na salita ang nabibitawan natin. Kaya mga beshy, kung galit na galit ka na, mas mabuting huwag ka munang magsalita. Makatutulong ito upang makapag-isip ka at kumalma.

9. WRITE IN YOUR JOURNAL. Kung hindi mo talaga kering hindi ilabas ang iyong galit, beshy, kunin mo ang iyong journal at isulat mo ru’n ang mga nararamdaman mo sa pagkakataong ‘yun. Mas magandang paraan ito dahil ikaw lang ang nakaaalam ng mga bagay na kinaiinisan mo sa partikular na bagay. Okie?

10. FIND A CREATIVE CHANNEL. Imbes na lumala pa ang galit mo, eh, why not na ibaling mo ang iyong atensiyon sa pagiging malikhain? Puwede kang sumulat ng tula o kaya naman ay mag-drawing ng mga bagay na nasa iyong isipan.

11. LAUGH. ‘Ika nga nila, laughter is the best medicine, kaya tawa ka lang. Ha-ha-ha! Maraming paraan para tumawa tayo tulad ng panonood ng videos sa internet, pagtingin sa memes at pakikipaglaro sa iyong mga alagang hayop.

Hindi naman pala mahirapkontrolin ang ating emosyon, lodi!Make sure lang na pag-iisipan natingmabuti ang mga posibleng mangyaribago natin gawin ang mga bagay namaaari nating pagsisihan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page