top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Babala sa mga binabalisawsaw!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay single parent at mayroon akong dalawang anak na edad 6 at 9. Madalas ko silang dinadala sa bahay ng nanay ko para mabantayan sila habang nasa trabaho ako. Ang ikinababahala ko ay palagi silang inuubo. Nalaman kong ang ilan sa mga pinsan nila ay inuubo rin kaya sa palagay ko ay nagkahawahan sila dahil madalas silang magkakalaro. Maaari n’yo ba kaming bigyan ng payo upang maiwasan ang pagkalat ng ubo sa amin? — Jasmine

Sagot:

Ang ubo ay isa sa pinaka karaniwang sakitng tao, karaniwang tatloo apat na beses nagkaka ubo at sipon ang mga tao kada taon.

Karaniwanman ang sakit na ubo, maaari rin itong maging delikado.

Kaya mabuti nang hindi makiuso sa sakit.

Narito ang ilan samga epektibong paraan para makaiwas sa ubo:

• I-disinfect anginyong kapaligiran — Ang ubo ay maaaring manggaling sa viral infection kaya mainam na panatilihing malinis ang kapaligiran.

Mas mainam na i-disinfect ang bawat sulok ng bahay.

• Umiwas sa mgataong may sakit — Iwasan ang mga taong may sakit para hindi mahawa.

Madaling kumalat ang virus sa pagiging-expose sa mga taong may virus. Makaiiwas din sa pamamagitan ng paggamit ng clinical mask habang kausap sila.

• Siguruhing palaging may dalang tissue — Upang makaiwas sa madalas ng pagbahing at pagkalat ng virus, palaging gumamit ng tissue.

• Uminom ng maramingtubig o anumanguri ng liquid — Ang pag-inom ng maraming liquid tulad ng tubig ay makatutulong para uminit ang pakiramdam.

Ang pag-inom ng mga maiinit na inumin tulad ng tsaa, soup o tubig na may honey aynag-aalis ng irritation at pamamaga ng lalamunan na nakatutulong sa pagpapalabas ng plema.

• Subukan ang cough remedies — Ang mga over-the-counter na gamot ay maaaring makapagdulot ng relief sa taong may ubo.

• Iwasan ang paghawak sa mukha — Ang virus ay pumapasok sa mata, ilong at bibig.

Kaya kung nakahawak sa taong may sakit, siguraduhing nakapaghugas ng mga kamay bago hawakan ang mukha.

• Kumain nang wasto para maging malakas ang immune system —Ang balanced diet at pag-e-exercise ay malaking tulong sa pagpapalakas ng immune system na magbibigay ng lakas at energy na panlaban sa kahit anong klase ng sakit.

Ang prutas at gulay ay ang pinakamainam na source ng Vitamin C na makatutulong para makaiwas saubo o kaya ay upangmapabilis ang paggalingng ubo.

• Gumamit ng disposableitems — Pagamitin ng disposable utensils ang may ubo at itapon ang ginamit na kubyertos.

Gayunman, imposibleng maging 100% cough proof ang tao kaya ang importante ay magkaroon kayo ng hygienic and healthy lifestyle para iwas-ubo ang inyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page