top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ayon sa mga siyentipiko... PAGPUNTA SA BEACH, GOOD SA HEALTH!

Toyang
Feb 26, 2019
2 min read

MARAMI sa atin ang mahilig talagang pumunta sa beach dahil relaxing at kitang-kita ang paglitaw at paglubog ng araw dito. Sinoba ang dehins gugustuhin ang ganu’ng kagandang lugar at tanawin, ‘di ba? Pero, maliban sa kagandahan nito, ang pagpunta sa beach ay may magandang naidudulot sa ating kalusugan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.

Woah! Talaga ba? Ang sabi nila, “it’s better to walk on sand, bakit? Ito ay dahil kaya nitong i-stimulate ang ating nerves sa mga paa, gayundin na nakabe-burn ito ng calories.

‘Yun nga lang, medyo tricky ang paglalakad sa buhangin, kaya make sure na mag-iingat tayo, okie? Gayunman, ang pagpunta sa beach ay mainam para sa balat dahil ang buhangin ay maituturing na natural exfoliant kung saan nakatatanggal ito ng dead skin at pinapahinga nito ang ating pores.

Dagdag pa rito, ang salt at potassium na nakukuha sa tubig-dagat ay nakagagaling ng mga kati-kati tulad ng dermatitis, skin asthma at chicken pox, gayundin na namo-moisturized nito ang ating balat.

Samantala, usapang tunog naman tayo, alam ba ninyo na ang tunog ng alon ng dagat ay nakare-reduceng stress level at nakatutulong para ma-relax tayo sa kadahilanang nakapagre-release ito ng dopamine at serotonin?

Wow! Maliban pa rito, ang pagpunta sa beach ay nakabu-boost ng immune system, lalo na kung magiging adventurous kayo.

Maging ang sariwang hangin ay nakai-improve ng mood na nakatutulong upang makatulog tayo nang mahimbing sa gabi.

Malaki rin ang tendency nagustuhin ninyong mag-ehersisyo kapag nasa beach kayo dahil s akakaibang perspective na naibibigay nito sa buhay ng bawat indibidwal na may benepisyo para sa inyong mental health.

Last but not the least, dahilnga nasa beach tayo, mapipilitantayong kumain ng seafoods na mainam para sa ating kalusugan dahil sa taglay nitong Omega-3 fatty acids na na kape-prevent sa pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng sakit tulad ng heart disease, stroke at marami pang iba.

Oh, ‘di ba, nalula ba kayo sa dami ng mga benepisyong maidudulot sa atin ng pagpunta sabeach? Wala pa ‘yan dahil dehins pa ninyo nasusubukan, kaya ano pa ang hinihintay ninyo? ‘Ika nga ni Nicki Minaj sa kanta niyang “Starships”,eh, “let’s go to the beach each let’s go getaway”!

Sun bathing at sunburn is real! He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page