Sex abuse summit sa vatical, tapos na
NAGANAP ang penitential liturgy sa ikatlong araw ng sex abuse summit o “Protection of Minors” meeting kasama ang mga lider ng Simbahang-Katolika sa buong mundo na pinangunahan ni Pope Francis sa Vatican.
Humingi ng kapatawaran ang Santo Papa kasama ang ibang mga lider sa kanilang kabiguan sa paghawak ng mga kaso ng pang-aabuso, gayundin ang ilang mga pari na nakagawa ng kasalanan sa mga kabataan.
Nagsimula ang naturang summit sa hymn of penance, penitential psalm at pagbasa ng Parable of the Prodigal Son.
Nagtapos kahapon ang sex abuse summit na may layong tuldukan ang isyu ng pang-aabusong seksuwal ng ilang miyembro ng Simbahan sa mga kabataan.





Comments