Na-develop sa show nauwi rin sa wala… KIM JONG MIN, UMAMING BREAK NA SILA NI HWANG MI NA

Sa finale episode ng reality show na Taste of Dating ng TV Chosun aired last Feb. 22, ini-reveal ng isa sa mga celebrity participants na si Kim Jong Min na naghiwalay na sila ni Hwang Mi Na, ang partner niya sa nasabing show.
Ang Taste of Dating kasi ay kakaibang reality show kung saan ang mga single celebrities ay magde-date for 100 days with partners that fit their ideal type.
Ang singer na si Kim Jong Min at ang weather forecaster na si Hwang Mi Na ang napag-match ng show along with 5 other couples. Nagsimula ang show last September, 2018 at umeere tuwing Huwebes na nu’ng Feb. 22 nga ang huling episode.
Pero nitong Enero, bigla na lang hindi na napanood sina Kim Jong Min at Hwang Mi Na sa show. Huli silang napanood noong January 10 episode nang umalis sila patungong Jeju Island to watch the sunrise sa first day of New Year.
Since then ay absent na sila sa mga remaining episodes kaya nagsimulang mag-speculate ang mga viewers na baka hindi nag-work ang pagma-match sa dalawa.
At tama nga ang hinala nila dahil sa finale episode, si Kim Jong Min na lang ang um-appear at nagpaliwanag sa kinahinatnan ng kanilang pagde-date.
Ayon sa singer, hindi sila nagkaroon ng time na madalas magkita ni Min Na outside of the show. Kapag nagkikita raw sila, parating dahil sa show dahil naging busy din naman siya preparing for his album.
“Since we’re both busy, it’s been a while since we’ve contacted each other. We said we should meet, but we’ve been too busy. I’ve been busy preparing for the album and so it wasn’t easy to get in touch.
“When we had an episode filming planned, rather than it being like filming to me, I felt like it was the time when I was really going to meet Mi Na. We didn’t have much time to meet outside of that,” sabi ni Jong Min.
Ipinakita sa show ang clip ng nakaraang trip ng dalawa kung saan ay sinasabi ni Min Na na minsan ay gusto niyang tawagan si Jong Min in between their meetings for the show pero nag-aalala raw siya na baka busy or pagod ang singer.
Hindi nakasagot si Jong Min at sabi ulit ni Min Na, “I feel like rather than you being enthusiastic and approaching me, you are kind of still or being cautious.”
Hindi na naman nakasagot si Jong Min at sa caption sa screen ay nakalagay na: “The misunderstandings began here.”
Sa interbyu kay Jong Min, aniya, “I think it must have been really confusing for her.”
Ipinaliwanag din niya na siya raw kasi ang tipo ng tao na hindi talaga ma-express sa nararamdaman.
Nabanggit din ni Jong Min ang tungkol sa naglabasang articles na nagsasaad na may plano na silang pakasal a few months ago at pakiramdam ng singer ay nagkaroon din ng hindi pagkakaintindihan dahil dito.
Paliwanag ni Jong Min, ininterbyu siya that time sa isang TV show at natanong tungkol sa possibility of marriage. Dahil tinatanong siya kaya sinagot lang niya ito at naglabasan na nga afterwards ang mga articles.
“I’m used to that kind of talk now, but I think it must have been hard for her to deal with. It must have been a lot of pressure. Other people around her would have said a lot about it too. This isn’t just a topic between the two of us, but one including our families, so it’s hard to deal with,” sabi pa ni Jong Min.
When asked kung nagkausap na ba sila ni Min Na, aniya, “There were so many articles that it was hard to explain one by one to her. And part of me hoped that she would understand this, since I’ve been doing this job all my life. I hope our dating won’t be a source of pain or trauma for her.”
Natanong din si Jong Min kung bakit niya tinanggap ang maging participant sa nasabing “dating show” at inamin naman niyang talagang inisip niya ring baka rito niya matagpuan ang kanyang lifetime partner dahil gusto na rin niyang mag-asawa.
“I did it because I thought maybe there was a possibility. I really was thinking about marriage. I didn’t approach it as a television show. Since you never know,” he said.
When they were dating for the show, aniya ay naramdaman daw niyang totoo talagang nagde-date sila.
“I really did feel like we were dating. It was truly and sincerely great,” saad pa ng singer.
Samantala, pagkatapos namang umere ng interview ni Jong Min sa finale episode ng Taste of Dating, kaagad napansin ng mga netizens na naka-private na ang Instagram account ni Hwang Mi Na gayung naka-set ito sa public dati at napakaaktibo pa nga nito sa kanyang IG.
Hinihinala ng mga netizens na ayaw ni Min Na ng public attention na dulot ng breakup news.





Comments