Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA NEGOSYONG NAKAHARAP SA SILANGAN ANG PI

Dear Maestro,
Tungkol sa negosyo ang nais kong itanong sa inyo, Maestro, kung halimbawa ba na magbubukas ako ng parlor, aasenso kaya ako? May parlor kasi ‘yung kaibigan ko, pero gusto na niya itong bitawan.
Sa palagay ninyo, kung ako ang kukuha, kahit ang pinto nito ay nakaharap sa lubugan ng araw, hindi tulad ng pinapasukan ko ngayon na nasisikatan ng araw ay okay lang kaya ito?
Dalawa na kasi ang pumuwesto ru’n na parehong nalugi.
Sa palagay ninyo, dapat ko bang kunin ang nasabing parlor? March 16, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Carla ng Poblacion, Kawit, Cavite
Dear Carla,
Ang sabi ng mga eksperto, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, huwag ka raw kukuha ng karelasyon o mapapangasawa na nakaranas ng “broken relationship” o ‘yung mga babae o lalaking maraming beses o paulit-ulit na nahiwalay sa kanilang nakasama dahil hindi raw maganda ang ganu’ng karelasyon.
Nangyaring ganu’n dahil may tendency na immature pa ang taong ‘yun, kaya hindi nagwo-work ang kanyang mga nagiging relasyon.
Ang senyales ng pagiging “immature” ng tao ay ‘yung madalas na nahihiwalay sa mga nakarerelasyon nila. Ibig sabihin, malas sila sa pag-ibig at kapag sila ang nakarelasyon mo, malamang na tulad nila ay mamalasin ka rin!
Pero sa aking palagay, hindi naman totoo na may malas sa pag-ibig, bagkus, hindi pa lang siguro nila natatagpuan ang taong para sa kanila. Pero, for sure, kapag natagpuan niya ‘yun, kailanman ay hindi na siya mamalasin pa, sa halip, dahil natagpuan na niya ang kanyang “soulmate”, habambuhay na siyang liligaya.
Kailan mo naman matatagpuan ang iyong soulmate? Ganito ang tanong na araw-araw nating nababasa sa kolum na ito.
Samantala, ano ang kaugnayan ng pag-ibig o pakikipagrelasyon sa tanong mo, Carla, kung dapat bang kunin mo ang puwesto ng parlor na madalas na nalulugi?
Hindi mo na ito dapat kunin dahil tulad ng naipaliwanag na sa itaas, ang pangunahing rule ay “kung ang puwesto ay hindi naman umaasenso at marami ng humawak sa puwesto na ito, pero palagi lang itong nalulugi, ang sinumang magtitinda o gumamit ng nasabing puwesto ay may tendency na malugi lang din. Maliban na lang kung ipare-renovate mo ito, lalo na ang pintuang hindi nasisinagan ng araw.
Gayundin sa pakikipagrelasyon, kung makikipagrelasyon ka sa taong maraming beses nang nagkaroon ng pangit na karanasan, magkakahiwalay lang din kayo.
Hinggil naman sa iyong lagda, dalawang pagbabago ang dapat mong ipatupad.
Una, imbes na medyo patulis ang buntot ng letrang “j”, medyo bilugin mo ito upang ma-release mo nang todo ang iyong libido patungo sa pag-unlad at tuluy-tuloy na kaligayahan.
Pangalawa, dapat mong gawing straight line ang dulong bahagi ng letrang “a” sa iyong apelyido. Kung ayaw mo naman na mahaba ang dulong bahagi ng letrang “a” sa kanyang pinakapaa, puwede mong buksan ang bilog ng letrang “a” dahil sumisimbolo ang bukas na bilog ng letrang “a” na pansapo ng salapi at panghigop ng maraming materyal na bagay.
Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, kung maghahanap ka ng sarili mong parlor na nakaharap sa silangan ang pintuan, sa halip na kukunin mo ang parlor na marami ng umupa, pero nalugi naman, tiyak ang magaganap ngayong 2019, sa edad mong 36 pataas, unti-unti nang uunlad ang iyong career o sarili mong negosyo hanggang sa mapalago mo ng bonggang-bongga ang iyong kabuhayan.




Comments