top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 25, 2019 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 25, 2019 (Lunes): Huwag mong sayangin ang iyong lakas at talino sa mga wa­lang kuwentang bagay, ituon mo sa pagpapaya­man ang iyong buhay upang magkaroon ka ng magan­dang kinabuka­san.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo kung hin­di ba­gay sa panahon ang kasalukuyang siste­ma ng iyong negosyo. Da­pat mong matanggap na ang kumikitang pormula noon ay maaaring hindi na kumita ngayon. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-20-23-26-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamas­yal ka! Sa pa­mamasyal, la­laya ang isip mo at ang malayang kaisipan ay na­kadidiskubre ng mga ba­gong pananaw na magpa­paunlad sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-13-24-36-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang mani­wala sa maga­gandang salita. Sa nga­yon, mahina ka kaya pu­wede kang mabiktima ng mga mandaraya. Ang payo sa iyo ay lumayo ka ka­agad sa mga taong napa­kahaba kung magsalita. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-11-19-23-25-39-41.

CANCER (June 21- July 22) - Maku­kuha ang loob mo ng taong sa biglang tingin ay muk­hang disente, pero ang to­too, siya ay hindi maru­nong rumespeto. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-25-38-40-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nag­daratingan ang mga suwerte mo at ang ma­sayang balita, malalaking suwerte ang mga ito. Kaya, magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-2-11-13-26-38-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Wala kang alam, mali­ban sa sarili mong talento. Ang totoo, ang mga taong nasa paligid mo ay umaasa sa iyo. Alam nilang nakahihigit ka pag­dating sa kung paano ma­lulutasan ang mga sulira­nin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-20-25-34-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong sa­rili. Kung ba­balikan mo ang iyong na­karaan, may nag-aayos na ng iyong buhay at ito ay ang iyong mismong kapa­la­ran. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-20-25-37-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malihim ka, kaya ma­dalas mong iti­natago ang iyong saloo­bin. May mga taong lihim na may pagtingin sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-28-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang daan tungo sa pag­tu­tulungan dahil may ma­lalaking pakinabang ang nakukuha sa pagkilos ng marami na may iisang layunin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-25-37-43-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibababa ng langit ang senyales na ma­­tagal mo nang hinihintay. Ito ay nagsasabing ngayon mo na simulan ang pro­yek­­tong magpapaganda sa iyong buhay. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-23-28-32-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakabi­bigla, pero ang mga magbi­bi­gay sa iyo ng kalungkutan ay aalisin ng langit sa iyong harapan. Pero, ha­hanap-hanapin mo pa rin ito dahil akala mo ay ka­ilangan mo pa sila. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-23-29-42-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka bibi­guin ng iyong kapalaran ka­pag ginawa mo ngayon ang matagal mo ng gus­tong gawin na magdadala sa iyo sa mas mataas na ka­lagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-25-33-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page