Driver dedbol sa SUV
CABANATUAN CITY—Isang driver ang namatay at sugatan naman ang pasahero nito nang aksidenteng mabangga ng SUV ang sinasakyan nilang tricycle, kamakalawa sa Bgy. San Juan Accfa, sa lungsod na ito.
Nakilala ang nasawi na si Rosendo Pascual, samantalang ang sugatan naman ay si Lerma Bunao, pasahero ng nasabing tricycle.
Nabatid na mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Romeo Casares kaya nabangga ang kinalululanang tricycle ng dalawang biktima.
Agad dinala ng mga saksi sa ospital ang dalawang biktima, pero idineklarang dead-on-arrival si Pascual, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury si Casares.





Comments