'Di mai-deny na nagli-live-in na sila ni James… "OH, MY GOD!" — NADINE


Napa-“Oh, my God!” na lang si Nadine Lustre nang itanong sa kanya sa presscon ng Ulan kung masasabi na ba niya nang diretso na nagli-live-in sila ni James Reid.
Matatandaang naging talk of the town before ang linya ni Nadine na “It’s normal, come on, guys, it’s 2017,” nang matanong siya tungkol sa pagli-live-in nila ni James.
Hindi niya sinagot nang diretso ang tanong noon although siyempre, base sa mga sinabi niya, parang “yes” na rin ang ibig sabihin nu’n.
Hindi pa rin masagot ni Nadine ang tanong ngayon at aniyang natatawa, “Oh, my God! Kayo na po ang bahala diyang sumagot.”
Pero naniniwala ba siya sa marriage? Gusto ba niyang ikasal din someday?
“Kasi, I think, marriage po kasi is ano, eh, parang formality, I guess. Siyempre po, gusto ko rin, meron, pero I think it makes the relationship formal.”
So, kumbaga, para sa kanya, hindi naman big deal kung may wedding man o wala?
“I’m not rushing, but siyempre, I would want to wed din, kasi it’s different. And I have friends po na ikinasal. Sabi nga po nila, iba talaga ‘yung feeling ‘pag ikinakasal ka and ikaw ‘yung naka-wedding gown and ikaw ‘yung naglalakad sa aisle. So, I would wanna feel that also but I’m not rushing.”
When asked kung ano ba ang gusto niyang wedding if ever, aniya ay gusto niya ay sa garden or sa beach since pareho nga silang mahilig ni James sa nature.
Natanong naman kung ano ba ang mga plano nila ni James at ayon kay Nadine, mag-travel pa more.
“Travel, ‘yun po talaga ang pinakagusto naming gawin. Enjoy lang po and siguro, be successful in everything. Right now po kasi, music din po ‘yung inaatupag niya, du’n po siya nagpo-focus, so gusto lang po naming maging masaya,” she said.





Comments