top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

CENTENO, RERESBAK NG SARGUHAN SA 30TH SEAG

Clyde Mariano
Feb 25, 2019
1 min read

MATAPOS hindi makapaglaro sa nakaraang Asian Games dahil inalis ng host Indonesia ang billiards, muling babalik si Chezka Centeno sa billiards table at ipag­papatuloy niya ang kampanya sa Southeast Asian Games at determinadong duplikahin ang golden performance na ginawa niya sa dalawang edition na ginawa sa Singapore at Malaysia.

“Back to action tayo sa SEA Games,” sabi ni Centeno habang naglalakad papunta sa billiards hall para mag-ensayo sa masusing gabay ni coach at dating world billiards champion Francisco “Django” Bustamante na hinirang ng Philippine Sports Commission para sanayin at palakasin ang billiard players.

Malaking papel ang gagampanan ni Centeno at kanyang mga kasamahan sa medal campaign ng ‘Pinas sa SEAG at determinado siyang panatilihin ang mali­nis na record at paghanga sa kanila ng mga kalaban sa re­gion. Inamin ng tubong Zamboanga na si Centeno na nalungkot siya dahil hindi nakapaglaro sa Asian Games. Sumali siya sa ibang tournaments para mahasa nang husto sa pakikipaglaro sa mga bigating banyagang mga ka­laban.

Nanalo si Centeno sa dalawang nakaraan na SEAG sa Singapore at Malaysia kaya determinado ang Zambo­angueña na muling manalo at pasayahin ang kanyang mga kababayang umaasa sa kanilang tagumpay. Sa nakaraang SEA Games sa Malaysia, nanalo ng ginto sina Centeno at Carlo Biado at si Rubilyn Amit ay pilak.

Nanalo rin si Centeno, Amit at Warren Kiamco sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Ang billiards ay kilala bilang medal producer sa SEA Games. Ipinangako ni Centeno na gagawin nila ang lahat at mapanatili ang magandang imahe ng bil­liards sa SEAG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page