top of page
Pokwang.jpg

Bebot na gustong mag-travel pero walang time

ROMA AMOR
Feb 25, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Bea, 28 years old. Sa ngayon, may ipon na ako para makapag-travel, kaya lang, wala naman akong time dahil busy ako sa trabaho, gayundin, hindi ko maiwanan ang nanay ko na may sakit. Sa tingin ninyo, ano ang dapat kong gawin para makapag-unwind naman ako kahit minsan. -- Bea

Bea,

Sa totoo lang, kailangan talaga ng lahat ang mag-travel paminsan-minsan, lalo na kung masyado ka ng nasusubsob sa trabaho kung saan nai-stress ka. ‘Ika nga, tao lang tayo kaya dapat ay nakapag­papahinga ang ating utak at katawan. Kung may chance na makapag-leave ka gawin mo, pagkatapos ipabantay mo muna sa mga kapatid mo ‘yung nanay mong may sakit o kaya ay isama mo siya kung saan ka pupunta para makapasyal din siya tulad mo. Life goes on, kaya palagi mong tatandaan na dapat nating i-enjoy ang buhay. Laban! God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page