Away, kaya paulit-ulit na lang… KATHRYN AT DANIEL, NAPAPAGOD NA SA ISA'T ISA
- BULGAR

- Feb 25, 2019
- 2 min read

Bakit kaya paulit-ulit na lumalabas ang balitang hiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?
Nandiyan ‘yung isyung sadyang binlock ni Kathryn si DJ sa Instagram. Nandiyan din ‘yung suspicion na kaya ‘di dumalo si Daniel sa FDCP Ambassador’s Night at si Kathryn lang ang tumanggap ng trophy nilang dalawa para sa kanilang movie na The Hows of Us ay dahil nasa Tagaytay daw si DJ at kasama ang mga kaibigan.
Nandiyan din ‘yung pagdepensa ng respective mothers nila para sa bawat isa assuring fans that everything is okay with both of them (meaning DJ and Kathryn).
Sa isang interbyu kay Daniel bago nag-Valentine’s Day, natanong ito kung ano’ng gagawin nila ni Kathryn sa Araw ng mga Puso at sinabi ni DJ na itatanong niya raw muna kay Kathryn kung saan nito gustong pumunta.
In the light of all these recent happenings, naalala namin ‘yung mga sinabi ni DJ kay Boy Abunda where he revealed na sa loob ng five-year relationship nila ni Kath, hindi naman naging smooth ang lahat. May mga conflicts na namagitan sa kanila at dumating pa nga sa puntong tinanong nila ang isa’t isa ng: “Gusto mo pa ba?”
He said too na sa una, nandu’n ‘yung kilig sa samahan nilang dalawa, pero it came to a point na nagkakaroon na rin sila ng problema. Pero one thing naman daw as they talk together, natutuklasan nila kung bakit nagkakaroon ng ganitong problema. The journey toward reconciliation ay isang adventure na after everything is settled, mas nagiging strong ang bonding nila.
In a separate interview, Kathryn admitted na isa sa mga ugat ng kanilang ‘di pagkakaunawaan ay ‘yung hirap siyang mag-say ng “I’m sorry.”
Before raw, nakatatak sa isipan niya ang “Bakit ako magse-say ng ‘I am sorry,’ eh, wala naman akong kasalanan?”
Unti-unti raw, DJ helped her how to humble herself and she learned how to accept her faults and finally to say “I’m sorry.”
Sa tagal ng pagsasama nila, they learned so much from each other at ito ang nagpapatibay ng kanilang relationship.
So we feel na ang mga issues na kumakalat tungkol sa hiwalayang Daniel at Kathryn ay maaaring totoo pero pansamantala lang.
Sure kaming once they talk seriously, mari-resolve rin ang anumang problemang namamagitan sa kanila.





Comments