top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

125 todas sa alak

Jersey Sanchez
Feb 25, 2019
1 min read

POSIBLE pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil sa pag-inom ng bootleg alcohol na may lason sa estado ng Assam.

Batay sa ulat, umabot na sa 125 ang mga nasawi dahil sa nasabing inumin.

Gayunman, ayon sa excise minister ng Assam na si Parimal Suklabaidya, patuloy pang dumarami ang mga biktima na dinadala sa iba’t ibang pagamutan upang mabigyan ng lunas.

Batay sa tala, ilang empleyado sa tea plantations sa mga distrito ng Golaghat at Jorhat ang mga biktima na pawang kababaihan.

Dahil dito, sinabi ng mga opisyal na nagtatag na sila ng inquiry commission upang imbestigahan ang insidente, gayundin na may ipinadala nang expert team upang suriin ang nilalaman ng mga nainom na alak.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page