top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa mga 25 years old pataas diyan, read n‘yo ‘to! TIPS PARA SA MGA BET NG MAG-ASAWA

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 24, 2019
  • 2 min read

FOR sure, kara­mihan sa mga ba­bae riyan, eh, bet ng magkapamilya dahil ‘yung iba nilang kabarkada, eh, unti-unti ng ikinakasal at nagkakaanak. Oo, medyo mahirap da­hil iba na ito sa pa­giging “happy-go-lucky”, pero kahit ganu’n, eh, dapat huwag tayong ma­ging desperada, ‘ika nga nila, “ang pag­pa­pakasal o pag-a­asawa ay hindi tu­lad ng mainit na kanin na kapag na­paso ka, eh, iluluwa mo na”. Kaya, na­rito ang ilang tips para sa mga bet na bet ng magkapa­milya:

1. PRAY. Yes, beshy, ba­go ang lahat, dapat ay ipi­nagdarasal mo ‘yung pagpa­pakasal nang sa gayun ay gabayan kayo ng Diyos sa mga bagay na gagawin ninyo. Hindi porke ikakasal kayo sa Simbahan, eh, ga­nu’n-ganu’n na lang ‘yun. Copy?

2. BE PATIENT. Kung bet mo ng mag-asawa, pero wala pa si ‘the one’, eh, chill ka lang diyan, beshy! Huwag kang OA na parang mau­ubusan ka ng lalaki o ba­bae. Lahat naman tayo ay na­ngangarap, kaya tiis-tiis lang para ang pag-abot mo sa iyong gusto, eh, maging worth it.

3. DON’T BE DES­PERATE. True! Hindi naka­gaganda ang pagiging des­perada, ‘yung tipong lahat ng lalaki o babae, eh, pina­tulan mo na para lang ma­hanap mo ‘yung taong pu­wede mong pakasalan. Ano ‘yan, puppy love? Kaloka!

4. FOCUS. Kung wala pang dumarating, make sure na nakapokus ka sa goals mo sa buhay nang sa gayun ay maging prepared ka sa pag­papakasal hindi lamang sa emosyunal kundi sa pinan­siyal din. Ha-ha-ha! Ang mahal na kayang magmahal ngayon! Ansabe?

5. HAVE LIMITA­TIONS. Kontrol-kontrol din ‘pag may time! Hindi puwede ‘yung sugod lang tayo nang sugod nang wa­lang kalaban-laban. Aba, mahirap na, noh!

Oh, kaya sa mga beshy natin diyang feeling na­pag­huhulian na, wait lang, ha?

Hintayin ninyo ‘yung right person, right time at right moment.

Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page