top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 24, 2019 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 24, 2019 (Linggo): Ma­gagandang kapalaran ang sa iyo ay ilalaan. Hu­wag mo itong papangitin nang dahil lang sa bugso ng damdamin mo. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsi­lang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gustung-gusto mo. Ito ang sikreto ng iyong tagumpay na naka­base sa kasabihang, “ang naghananap ng masaya ay nakukuha ang gusto niya”. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-7-11-18-20-24-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilalapit ka ng langit sa taong ba­gay na bagay sa iyo. Kaya ka Niya ilalapit ay dahil nakita Niyang sobra kang naduduwag kung saan ang pagiging mahi­yain mo ay nakikitang nananaig sa iyo. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-8-9-14-25-30-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Maa­akit ka ng maganda. Wala namang masama ru’n. Ang totoo nga, may magandang maidudulot pa ito sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-3-6-21-28-33-45.

CANCER (June 21- July 22) - Napaka­la­king su­werte ang puwe­deng mapasaiyo. Ito ay mang­yayari kapag hindi mo kinontra ang sarili mo na nagsasabing, dapat kang lumaya sa mga negati­bong pananaw. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-24-25-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sun­din mo ang si­nasabi ng dam­damin mo. Ang kaligayahan ay nagmu­mula sa damda­min at ang isipan ay pala­kontra kaya ang tao ay hindi lumili­gaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-21-28-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit hindi ka gaanong ma­ru­nong uma­wit, umawit ka pa rin. Ito ang mabisang panlaban sa malalim na kalung­kutan. Ito ang kailangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-15-19-20-25-33-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating. Hindi masasayang ang gagawin mong pagsisikap dahil ang mga ito ay ma­mumunga ng marami at magagandang resulta. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-13-21-24-38-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magta­gal sa bagay na tapos na. Marami ka pang kailangang tapusin. Madalas na nasasayang ang oras at araw ng tao dahil lang sa sobra siyang abala sa bagay na tapos na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-19-22-28-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Binibig­yan-daan ng mga lumang dahon ang mga bagong usbong. Huwag kang ma­lungkot kung may ma­wawala, dapat nga ay ma­tuwa ka pa sa bagong ka­banata ng buhay mo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-21-25-26-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nababa­lewala ang mga suwerte kapag hindi ito pinahaha­la­gahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-20-24-32-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakaki­kita ang nag­hahanap. Ikaw ay makikita ng naghaha­nap ng inspirasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-21-28-34-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka la­layo? Sa ma­layo, sobrang pagtitiis lang ang iyong mararana­san. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-6-9-13-18-20-24.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page