Caretaker dinedbol ng gunman
Pabs Hernandez III
Feb 24, 2019
1 min read
SULTAN KUDARAT—Isang caretaker ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Tacurong City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Mark Francis Albenio, caretaker ng ukay-ukay sa nasabing barangay.
Nabatid na nakaupo umano si Albenio nang lapitan ito ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments