Lineman dedbol sa kuryente
SORSOGON—Isang lineman ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Bitan-O, Sorsogon City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Ernesto Sapitan, Jr., nakatira sa Bgy. Buhatan sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang inaayos ni Sapitan ang mga kawad ng kuryente sa poste ng Sorsogon Electric Cooperative ay napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Sapitan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments