Ayaw na raw lokohin ang isa't isa… THEA, UMAMING SILA NA ULI NI MIKOY
- BULGAR

- Feb 23, 2019
- 2 min read

Nagkabalikan na pala sina Thea Tolentino at Mikoy Morales. Ito ang inamin ng aktres nang makausap namin sa set visit ng Asawa Ko, Karibal Ko.
Natanong kasi si Thea kung hindi ba siya nakikipag-date ngayon at ang bonggang sagot niya, “Not available.”
Siyempre, ang kasunod na tanong ay “Bakit?” na nasundan pa ng “Kayo ba ulit (ni Mikoy)?”
Sagot ni Thea, “Hindi ko po alam.”
At ‘yun na nga. Later ay inamin din niya na together na ulit sila.
When asked kung kelan pa, aniya ay last year pa at bigla na lang daw nangyari.
Na-realize raw nila pareho na “Ay, huwag nating lokohin ang sarili natin,” kaya naman bumigay na sila.
“Mag-best friends din kasi kami, so parang ang hirap din namang hindi mag-care for each other,” sey pa ng aktres.
Aminado siyang “love is sweeter the second time around” although wala naman daw silang label talaga.
“Sabi nila, magulo raw ‘yung set-up namin, wala kaming label ever since. Pero ‘yun nga, napag-usapan namin na hindi naman kailangan ng label kasi as long as nagkakaintindihan kayong dalawa, tapos, ‘yun ang nagwo-work sa inyo, okay lang,” she said.
Nagsimula ang relasyon nila noong 2013. Umabot pa raw sila nang 4 years at pagkatapos ay nag-break sila nang one year. Kaya ngayon, going to five years na sila kung isasama pa rin ‘yung una nilang relasyon.
Samantala, happy si Thea na ang daming pumuri sa kanyang performance sa Asawa Ko Karibal Ko bilang si Venus/Nathan na isang transwoman.
Last two weeks na ang serye at ani Thea, bugbog na bugbog siya sa mga nalalabing episodes pero siyempre, hindi niya puwedeng idetalye ang ending kaya abangan na lang.





Comments