top of page

P2,000 multa sa PDA | HALIK AT YAKAP, BAWAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2019
  • 1 min read

HINDI na pupuwede ang ‘public display of affection’ o PDA sa pampublikong parke na pambata sa Baguio City kapag naaprubahan ang inihaing ordinansa.

Ipagbabawal ang ‘kissing, petting, necking and lying down together in a scandalous manner in public view’ sa mga parkeng pambata na nasa Burnham Park.

Batay sa panukala, nais nilang mapangalagaan ang kapakanan at moralidad ng mga batang nagpupunta sa parke.

Ang lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P500 sa unang pagkakataon; P1,000 sa ikalawang pagkakataon at P2,000 sa mga susunod pang paglabag. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page