‘Ika nga ng iba, “I‘m lucky, I’m in love with my bestfriend”... 5 BENEFITS KAPAG NAGING DYOWA SI BF

ALAM mo ‘yung feeling na may dyowa ka na, may BFF ka pa? Super nice, ‘di ba?
Maraming nagsasabi na ang ma-in love raw sa bestfriend ang isa sa pinakamasayang bagay na puwede nating maranasan. Agree ba kayo? Sa totoo lang, medyo kumplikado talaga ‘yan sa umpisa, pero kapag na-survive ninyo, panalo! Narito ang ilang “perks” na totoong mas masaya kapag bestfriend natin ang ating nakatuluyan. Ayieee!
1. YOU CAN BE YOURSELF WHEN THEY’RE AROUND. Totoo, ‘yung ultimo pinaka-awkward na bagay tulad ng farting, eh, keri ninyong gawin, he-he-he! Hindi na nga raw mahirap mag-adjust dahil komportable kayo sa kanya, kaya nagagawa ninyo ang mga bagay na trip ninyo ng walang halong panghuhusga dahil bago pa kayo naging mag-dyowa, eh, super friends na kayo!
2. YOU HAVE A LOT OF THINGS IN COMMON. Bakit ba kayo naging magkaibigan? Siyempre, may mga bagay kayong napagkakasunduan tulad ng music genre, pagkain, favorite movie o anuman. Kilala na ninyo ang isa’t isa kaya hindi na kayo mahihirapan pang hulaan kung ano ang mga bagay na bet sa buhay ng dyowa ninyo, ayos na ayos talaga!
3. YOU KNOW EACH OTHERS EXPECTATIONS. Isa sa mga nagiging problema sa relasyon ay ‘yung pagkakataon na nadi-disappoint tayo dahil kahit hindi required, eh, nag-e-expect tayo sa tao, pero hindi niya ito nami-meet. Well, kaya okay din na BFF muna natin sila bago maging dyowa para, at least, alam na nila kung ano ang capacity ng isa’t isa kaya hindi na tayo mag-e-expect ng bongga. Gets?
4. YOU CAN TALK TO HIM ABOUT ANYTHING. Lahat ay puwede ninyong mapagkuwentuhan tungkol man ‘yan sa kalokohan o seryosong usapan, keri lang ng hindi nagkakahiyaan. Ganern!
5. HE SUPPORTS YOUR DREAMS. Kahit sino naman ang maging dyowa natin, dapat lang na suportahan nila tayo sa anumang aspeto, lalo na sa ating mga pangarap. Isa ito sa mga bagay na dapat nilang gawin kung totoong mahal nila tayo. Tandaan na dapat sila ‘yung number one fan natin, ganern!
Paano man kayo nagsimula ng wifey/hubby ninyo, ang mahalaga hanggang sa huli ay kayo pa rin. Sa totoo lang, maraming mga bagay ang puwede ninyong gawin para maging swak kayo sa isa’t isa. He-he-he!
Copy?





Comments