Kaya dapat daw, eh, Capricorn o Virgo siya, sis! BABAENG SA SANDALING KATUGMA ANG CRUSH NA KAPITBAHA


KATANUNGAN:
Nahihiya ako sa tuwing tutuksuhin ako ng mga kaibigan ko dahil hanggang ngayon sa edad kong 38 ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend.
Gusto ko ring makapag-asawa, ang problema wala yata akong suwerte sa love life. Tatlong beses ng may nanligaw sa akin, kaya lang lahat sila ay may asawa na.
May crush ako na malapit lang sa amin ang bahay, kaya lang hindi naman niya ako nililigawan.
Maestro, ano ang nakaguhit sa aking mga palad, kinakabahan ako na baka makapag-asawa ako ng lalaking may asawa na?
Sana, sabihin ninyo kung ano ang magiging kapalaran ko, lalo na sa love life?
KASAGUTAN
Bagama’t, medyo nahuli na ng gumuhit, may namataan pa rin namang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kaya huwag kang kabahan at hindi ka dapat panghinaan ng loob.
Ang nasabing Marriage Line, tulad ng naipaliwanag na ay tanda na hindi ka dapat kabahan kung saan sa edad mong 38 na sa kasalukuyan, tiyak ang magaganap, makapag-aasawa ka pa rin at liligaya, habambuhay.
Ang pag-aanalisang makapag-aasawa ka ng lalaking binata ay madali namang kinumpirma ng maaliwalas at maganda mong lagda, hindi nababoy at hindi rin naburara.
Ibig sabihin, kahit na naghahabol ka na sa huling biyahe, masasabi pa ring deep inside ay kampante ang iyong inner-self na makapag-aasawa ka rin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
4. Tulad ng nasabi na, ang maganda at okay sa alright mong lagda ay malinaw na tanda na sa panahon ng pagpili ng tamang lalaking pakikisamahan, hindi ka magkakamali ng pasya sapagkat ang pag-aanalisang binata ang mapapangasawa mo ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Taurus. Tanda na isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo o kaya ay Capricorn ang nakatakda mong makatuluyan at makasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
MGA DAPAT GAWIN
Mildred, kung ang sinasabi mong lalaki na crush mo ay kapitbahay ninyo ay Capricorn o kaya ay Virgo, tiyak ang magaganap, siya na nga ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na makakasama mo, habambuhay.
Kung hindi naman siya Capricorn o Virgo, ayon sa iyong mga datos, malapit lang din sa inyong lugar ang makatutuluyan mo na ayon sa iyong Love Calendar, nakatakda itong mangyari sa taong 2021, sa buwan ng Mayo hanggang Nobyembre, sa edad mong 41 pataas (Drawing A. at B. 1-M arrow a.).




Comments