top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 22, 2019 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 22, 2019 (Biyernes): Ga­mitin mo ang galing at husay mo para sa iyong sariling kapakanan. Hu­wag kang magpapagamit sa iba dahil ang totoo, ma­rami ang mangga­ga­mit sa iyo para umunlad sila.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng lakas sa mga nagta­gumpay na. Pag-ibayuhin mo ang pagiging matibay at matapang. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-21-24-38-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag sama-sama, ma­lakas. Ka­pag nagkahiwa-hiwalay, mahina. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan at hu­wag mong hahayaang magka­watak-watak ang mga malalapit sa puso mo. Ma­suwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-11-16-25-27-35-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Kumilos ka para sa mga bukas pang darating. Ito ang isa sa mga pormula mo tungo sa iyong tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-4-11-17-21-26-30.

CANCER (June 21- July 22) - Ba­kit ka tutulad sa mga taong pi­nahi­hirapan masyado ang ka­nilang sarili? Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-26-30-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lunurin mo ang iyong sa­rili sa maga­gandang bagay. Ito ang iyong premyo dahil sa ipi­nakita mong hirap at pag­sisikap. Ito rin ang ins­pirasyon mo sa mga ha­mon ng buhay na darating sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-5-6-19-22-28-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nadarapa ang nagmamadali, lalo na sa la­rangan ng pag-ibig. Bakit ka magmamadali kung darating din naman ang takdang panahon para makilala mo ang taong inilaan para sa iyo? Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-8-10-13-25-28-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumarami ang iyong mga tagahanga. Ang iba ay lihim lang dahil na­iinggit sila sa galing at hu­say mo, pero higit ka­ni­nu­man, nasa tagong pag­ti­ngin ang tu­nay mong kali­gayahan. Ma­suwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-15-18-22-29.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang iyong galing. Masa­sayang ang mga ito kung palagi mo itong itinatago at hindi napakikinaba­ngan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-22-24-39-40-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maganda ang pagiging mabilis dahil mas marami kang naku­kuha kahit pa may ilang nakalagpas sa iyong pa­ni­ngin. Ito ang isabuhay mo at iwanan mo na ang pagi­ging mabagal. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-25-27-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang sumali sa pagalingan ng pagsagot sa mga kata­nungan. Silang mahuhu­say sa kaalaman ay ma­ki­­kita mo na kinakapos sa pa­ramihan ng kabuha­yan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-9-16-23-38-41-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapasa­saiyo ang gus­to mo, pero ka­pag nasobrahan ang ti­wala mo sa iyong sarili, mawawala ang mga ito sa buhay mo. Alamin mo ang iyong mga kapinta­san at gumawa ka ng pa­raan para maayos ang mga ito. Ma­suwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-3-18-22-27-34-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang tumulad sa mga binuwe­nas at ayaw nang magsikap. Pa­lagi mong tatandaan na binubuwenas man o hindi ang tao, kailangan pa rin niya ang tuluy-tuloy na pag­sisikap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-20-26-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page