top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di raw big deal… KRIS, TANGGAP NG BF KAHIT NAKIKIPAGTIKIMAN SA IBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2019
  • 2 min read

Thankful si Kris Bernal na sobrang understanding ng non-showbiz boyfriend niya na si Perry Choi sa kan­yang career. Na kahit may mga kissing scenes siya with her leading man ay okay lang dito.

Tulad nga sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko ng GMA-7, may mga love scenes sila ni Rayver Cruz, pero dedma raw si dyowa.

“Wala, in terms of work, hindi siya nangingialam talaga. Wala siyang sinasabi talaga,” sey ng aktres.

Nanonood ba ang guy?

“Oo, nanonood siya ‘pag may time siya, pero ‘pag ano, like mga eksena, kahit ikuwento ko pa na may kissing scene or love scene, wala, hindi siya nagri-react ng kahit ano. Alam niya kasi work lang, eh.

“At saka, nakita niya rin naman na kapag wala akong work, nasa kanya ang oras ko.”

Last two weeks na lang ng Asawa Ko, Karibal Ko at pagkatapos nito ay baka raw magbakasyon sila ng BF.

Siyempre, nakakalungkot din daw na magtatapos na ang kanyang serye dahil naging close na raw sila ng mga katrabaho.

“Nakakalungkot din kasi na-attach din ako sa mga katrabaho ko rito sa show lalo na sa naging pamilya ko. Like si Ms. Lotlot (de Leon), super close ko siya dahil nga ilang beses na kaming nagkatrabaho kaya parang naging nanay ko na siya.

“Tapos, si Rayver (Cruz) naman, hindi ko akalain na ganu’n siya kabait, ganu’n siya kakalog. Tapos si Thea (Tolentino), napakahusay din. Alam mo ‘yung parang lahat, bago sa akin pero gumaan agad ‘yung loob ko sa kanila?

“So, ‘yun ang pinakamami-miss ko,” saad ni Kris.

Abangan ang nalalabing dalawang linggo ng serye dahil palapit na nang palapit sa pinakamalaking rebelasyon. Sa kuwento ay nalaman na ni Rachel (Kris) na dating lalaki si Venus/Nathan (Thea). Pero may parating pa ngang big reveal kaya ito ang dapat abangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page