BIG BOSS JAMES, PAMOSTE SA PICK 6 AT PICK 5 SA NAIC

MAY kahirapang sumali ng mga kalahok na ipoposte sa Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa karerang magaganap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa panimula ng karera sa Race 1, kung saan magsisimula ang Pick 6 event at nakalalamang ang kalahok na Vera Cruz, pangalawa ang Jontu, Precious Jewel at couple entry na May Swerte Ako/Warrior Baby at Heaven Strikes. Anim ang maghaharap sa 3 Year Old Group sa Race 2 para sa pagsisimula ng Pick 5 event at pinapatok ang kalahok na Big Boss James, laban sa mga kalaban na Dugong Bughaw; A.P.Factor at Vanquisher.
Pinapaboran ang Love Affair kontra sa mga kalahok na Pabulong, Stormy Mark, Wafu the King, Spicy Time, Eager Me, Minotaur at ang napipisil kong dehado na Seni Seviyorum sa pag-alagwa ng Race 3 para sa Pick 4. Sa Race 4, maghaharap ang mga kalahok na Maker’s Mark, Starlight, Buenos Aires, Let’s Dance Zumba at couple entry na Ok Mister Bond/ Emergency Express.
Balikatan para sa mga kalahok na Smart Tony at Constantinople na maghaharap sa Race 5. Binibigyan ng malaking panalo ang One In A Billion, habang makakalaban ang Rochelle, Magic Carpet Ride, Zapima, Faithfulwife at Sweet Dreams na paratingan sa Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa huling karera sa Race 6.
Tip ni Mang Ding Race 1- Vera Cruz (10) Jonto (4) Precious Jewel (6) Race 2 - Big Boss James (3) Vanquisher(4) Race 3- Love Affair (4) Spicy Time (2) Seni Seviyorum (5) Race 4- Entry No.2 Maker’s Mark (6) Buenos Aires(5) Race 5- Constantinople (6) Smart Tony (4) Race 6- One In A Billion (4) Magic Carpet Ride (2) Rochelle (1).





Comments