top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sori na lang daw sa mga fans… RAIN, AMINADONG MASYONDA NA, 'DI NA MAKASAYAW

  • Lee Vin Nia
  • Feb 21, 2019
  • 2 min read

Aminado si Rain na nai­sasantabi na niya ang kan­yang singing career ngayong med­­yo nagkakaedad na siya.

“My body doesn’t feel the same anymore on stage. That’s why I consis­tent­ly work out, but a singer who dances is similar to an athlete. Your body needs to be in its prime. Right now, I’m not in my best state. I think I need to eventually let go of my title as a singer who dances,” pahayag ng singer sa kanyang latest interview para sa promo ng pelikula niyang Uhm Bok Dong.

Matatandaang back in year 2000 nang magsimulang sumikat si Rain bilang singer at pagkatapos ay nagtuluy-tuloy na ito the following years and even made it in the international scene.

Noong 2008-2013 ay naka-penetrate pa siya sa Hollywood at nagkaroon ng mga pelikula sa Amerika. Natatandaan din namin na during those years, sikat na sikat din siya sa ibang bansa pati na rin dito sa Pilipinas dahil sa kanyang hit K-drama na Full House.

Pero siyempre, kasabihan nga na hindi naman forever ang kasikatan, dumating din ang time na unti-unti na ring nanamlay ang kanyang popularity. But of course, ikino-consider na rin na­man siya ngayon na icon na rin in his own right.

Ayon pa kay Rain, handa na rin si­yang bitawan na ang kanyang pagiging singer kung talagang kinakailangan.

“I exercise day and night. However, I need to draw the line at some point. I don’t know when that will be. It might be two, three, or four years later. If my body allows it, I would like to continue promoting as a singer, but I’m also preparing myself to let go of the singer Rain.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page