MGA BOXERS NA PA-SEAG, ILALAHAD NA SA HUNYO

ILALAHAD ang mga pangalan ng boxers na sasabak sa Southeast Asian Games sa Hunyo matapos ang serye ng eliminasyon tampok ang mahigit 20 aspirants na lahat ay naghahangad na makapaglaro sa 11-nation biennial meet na aarangkada sa Nobyembre sa state-of-the-art New Clark City Sports Complex sa Pampanga.
“Masusi naming sasalain at hihimayin ang kakayanan ng aspirants matapos ang elimination para masiguro ang tagumpay lalo na rito sa atin gagawin ang SEAG. Kailangang panindigan natin na tayo ang mahusay sa boksing sa Southeast Asia,” sabi ni head coach Pat Gaspi sa panayam sa kanya. “Very strict kami sa pagpili ng boxers at iyon lang magagaling at may kakayahang manalo ang isasabak namin para mapanatili ang magandang record sa SEA Games,” wika ng Bicolano veteran coach.
Ilang kinilalang amateur boxers na naghatid karangalan sa bansa ay ang nakapilak na si Anthony Villanueva sa Tokyo noong 1964, Mansueto Velasco sa Atlanta noong 1996 at tatlong tanso mula kay Cely Villanueva noong 1932 Los Angeles games, Leopoldo Serrantes 1988 sa Seoul at Roel Velasco noong 1992 Barcelona.
Kasama sa aspirants ang mga veterans na sina Eumer Felix Marcial, Rogen Ladon, Mario Fernandez, Ian Clark Bautista, Nesty Petecio, Josie Gabuco, Irish Magno at ang bagito na si Ira Villegas ngTacloban mula sa Leyte Sports Academy.
Ang pinakamagandang ipinakita ng boksing sa SEAG ay noong 1991 sa Manila, walong ginto kay Mansueto Velasco, Roberto Jalnaiz, Julito Lopez, Elias Recaido, Raymond Suico, Victor Vicera at magkapatid na sina Arlo at Ronald Chavez sa dalawang pilak at tatlong tanso.
Hinigitan ang limang ginto nina Nelson Jamili, Efren Tabanas, Ruben Maris, Alexande Arroyo at Alberto Tejada noong 1981 na unang ginawa sa Pinas.





Comments