top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa birthday… BEBOT NA NAKATAKDANG MAIWASAN ANG MGA INTRIGA KUNG DEDEDMAHIN LANG ITO AT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Bago ako pumasok sa trabaho ay nagbabasa muna ako ng BULGAR upang maging guide sa pang-araw-araw kong buhay. Itatanong ko lang kung talaga bang malas ako sa kaibigan? Sa totoo lang, ayoko ng away, pero lumalapit ang gulo sa akin, kaya ngayon ay wala akong natirang kaibigan dahil puro sila plastik. Pa­ano ko maiiwasan ang mga taong walang ginawa kun­di magparinig o manlait, gayung wala naman akong ginagawang ma­sama o sinasabi sa kanila? Sana, matulungan ninyo ako, Maestro, kung ano ang dapat kong gawin? April 8, 1986 ang birthday ko.

Umaasa,

Ms. Aries ng Tikay, Malolos City, Bulacan

Dear Ms. Aries,

Alam mo, kung iiwas ka sa away o gulo, yayaman ka dahil ang birth date mong 8 sa destiny number na 9 (4+8+1998=19+98=117/ 11+7=18/ 1+8=9) at sa zodiac sign mong Aries ay strong number na tulad ng nasabi na, maaari kang umunlad nang todo-todo hanggang sa yumaman.

Kaya ano ang dapat mong gawin? Una, huwag ka ng pumasok sa mga intriga at kung anu-anong away, sa halip, mas maganda kung isusubsob mo ang iyong sarili sa mga bagay na pagkaka­pe­rahan tulad ng trabaho at pagnenegosyo. Sa ganyang paraan, nag-concentrate ka sa mga bagay na pagkaka­perahan, darating ang takdang-araw na ang pangarap mo ay matutupad.

Sa tanong mo na bakit lapitin ka ng intriga at gulo? Sinasabing karamihan sa mga Aries ay palagi at likas tala­gang nasusuot sa gulo. Ito ay dahil nagtataglay ng ruling planet na Mars ang mga Aries.

Unconsciously o hindi nila namamalayan, kapag walang gulo o challenge ang kanilang buhay parang malungkot o hindi sila masaya. Sa kabilang banda, kapag may gulo o intriga silang kinahaharap, doon naman lumalaki ang kanilang ego at enerhiya.

Gayunman, huwag mo ng intindihin ang pagiging Aries mo na may ruling planet na Mars, sa halip, ang dapat mong intindihin at bigyang-halaga ay ang pagiging taong otso mo kung saan tulad ng nasabi na, umiwas ka sa gulo at intriga upang yumaman ka.

Magagawa mo ito kung hindi mo papansinin ang mga taong umaaway o naninira sa iyo. Pagpasensiyahan mo na lang sila palagi at imbes na isipin mo kung paano sila gagantihan, ang isipin mo na lang ngayon ay kung paano mo sila mamahalin.

Samantala, tandaan mo ang ugali ng bida sa mga pelikulang Pinoy at sa mga tipikal na nobelang napano­nood natin sa mga telebisyon, talagang nagpapabugbog muna ang bida, ngunit, matapos api-apihin at yurakan ng tadhana ay muling bumabangon hindi para maghiganti kundi upang tuparin ang nakatakda sa kanilang kapalaran at siya naman ang magtatagumpay at sasagana habang ang mga dati niyang nakaaway ang sila namang makikitang naghi­hirap at nasa kaawa-awang kalagayan sa buhay.

Nakatakdang mangyari at matupad ang iyong pag­ya­man kung hindi ka makikipag-away at maghihiganti. Ayon sa iyong Business Calendar, naka­takdang maganap ang nasa­bing pagyaman para sa mga taong otso na tulad mo at sa panahong tumaba o bumilog na ang iyong katawan, sa taong 2029, sa edad mong 43 pataas, tulad ng nasabi na, mayamang-mayaman ka na habang ang mga umaapi at nanlalait sa iyo sa kasalukuyan ang sila namang masasadlak sa kahirapan.

Sabi nga ni Haring David, kung ikaw ay may mga kaaway at maraming taong naiinggit at naninira sa iyo, ganito ang kanyang panala­ngin na nakasulat sa Bibliya:

“Halika O, Diyos, iligtas Mo ako. Lahat kong ka­away ay pasukuin Mo, lu­pigin Mo yaong masasa­mang tao. Yamang kaligta­san ang nagbuhat sa Iyo. Pagpalain kami ng mga anak ko. Amen” (Awit 3:7-8).

Ganyan din ang dasalin mo, Ms. Aries, bago matulog, kumain ng tanghalian at pagkagising sa umaga dahil makikita mo, maililigtas ka sa mga kaaway habang patuloy ding pagpapalain ng Diyos ang iyong pamilya at ang mga magiging anak mo.

Sa wikang Latin, mas lalong magiging mabisa ang nabanggit na orasyon: ”Non timebo millia/ populi circumdantis me:/ exurge Domine:/ salvum me fac/ Deus meus./ Quoniam tu percussisti/ omnes adver­santes/ mihi sine causa:/ dentes peccatorum con­trivisti. Amen.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page