Lalo na kung medyo nagkakaedad na kayo, lodi! TIPS PARA MAGKAROON NG MAGANDANG RELASYON ANG MAGKAKAP
- Justine Daguno
- Feb 21, 2019
- 2 min read

SABI nila, ang pagkakaroon ng kapatid ang isa sa pinakamasaya at nakaiinis na bagay sa mundo, ‘yung tipong lahat ng gamit niya ay kanya at ‘yung gamit mo, eh, kanya pa rin, kainis!
Gayunman, tulad ng palaging sinasabi ng mga magulang natin, mahalin natin ang ating mga kapatid dahil bukod sa iisa ang magulang ninyo ay sila rin ‘yung taong palagi nating maaasahan at hindi tayo matitiis. Ehem!
Well, kung wala tayong choice sa kanila, eh, deal with it na lang! Anyway, narito ang ilan sa mga paraan para mas “ma-improve” ang relasyon natin sa ating mga kapatid:
1. USE THE POWER OF NOSTALGIA. Kapag lumaki tayo sa iisang bahay kasama ang kapatid natin, for sure, marami kayong mapag-uusapan, lalo na ‘yung childhood memories ninyo.
Pag-usapan natin ‘yung mga bagay na nangyari noon tungkol sa mga katangahan, kalokohan at kung anu-ano pa at sabay natin itong pagtawanan ngayon, sa pagkakataong ito, mapapansin natin na ayos din palang may kapatid. Okidoki?
2. MAKE A CONSCIOUS DECISION TO LET GO. Kahit paulit-ulit sabihin ng mga magulang nating pantay-pantay ang turing at pagmamahal nila sa atin, hindi pa rin mawawala ‘yung feeling na mas favorite nina nanay at tatay ‘yung iba nating kapatid kaysa sa atin.
Kesyo panganay, mas kamukha, nag-iisang lalaki o dahil bunso. Isa sa mahalagang paraan para mas maging close tayo ng mga kapatid natin ay ‘yung i-let go na ang ganyang kaisipan, hindi natin sila competitor, kapatid natin sila sa ayaw at sa gusto natin. He-he-he!
3. OFFER YOUR HELP AND SUPPORT ON A REGULAR BASIS. Kung kaya nating magbigay ng suporta sa anumang aspeto sa mga kaibigan natin, bakit hindi natin ‘yun maibigay sa mga kapatid natin?
Well, sabi nga, ang mga magkakapatid ay dapat nagtutulungan, walang bilangan dahil hindi ‘yun tama, pero siyempre, kapag sila naman ang may pabor, maging mapagbigay din tayo para patas. Gets?
4. ALWAYS INVITE THEM TO TAKE PART IN YOUR CELEBRATIONS AND BIG EVENTS. Tandaan, dapat palagi nating kasama ang mga kapatid natin sa bawat okasyon o mahahalagang pangyayari sa buhay natin.
Malayo man ang loob natin sa kanila o magkakaiba man ang trip ninyo, mabuti pa rin na maging parte sila ng bawat pangyayari sa ating buhay, hindi lang para sa pakikisama kundi para sa ikasasaya ng mga magulang natin.
5. RESPECT THEIR BOUNDARIES. Isa sa mga dahilan kaya nagkakaroon ng awkwardness ang mga magkakapatid, hindi kasi natin napapansin na sumusobra na tayo sa pakikialam sa buhay nila.
Sa totoo lang, kahit gusto lang nating maiparamdam na may pakialam tayo o nagke-care tayo sa kanila, dapat alam natin ang ating limitasyon. Matuto tayong magbigay ng respeto sa mga ginagawa nila at kapag nagkamali at humingi sila ng tulong ay saka na tayo magpaka-OA sa pagiging kapatid sa kanila.
Lahat tayo ay may kani-kanyang paraan kung paano pakikisamahan ang ating mga kapatid, mayroong BFF ang turingan, mortal enemy at ‘yung iba ay wala talagang pakialam, marahil, depende ito sa pagpapalaki ng ating mga magulang.
Gayuman, ‘ika nga nila, pagbali-baligtarin man natin ang mundo kapatid pa rin natin sila kahit minsan, gusto na natin silang ibenta. Chos! He-he-he!




Comments