7 menor-de-edad patay sa sunog
PITO katao ang nasawi sa sunog na naganap sa Lungsod ng Halifax sa Canada.
Batay sa impormasyon, ang mga biktima ay miyembro ng Syrian family kung saan pawang mga bata na nasa tatlong buwang gulang hanggang 17-anyos ang nasawi.
Sumiklab ang sunog ala-1:00 ng madaling-araw sa bahay na tinitirhan ng pamilya.
Ayon sa mga bumbero, mabilis na natupok ng apoy ang una at ikalawang palapag ng naturang bahay at nakontrol ito matapos ang isang oras.
Gayunman, dalawa katao ang naiwang sugatan kabilang ang isa na nasa kritikal na kondisyon.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente.





Comments