Rider na lolo dedo sa trak
ILOCOS SUR—Isang rider na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Olo-Olo Norte, Santiago sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Agrifino Pilar, 68-anyos at residente ng bayan ng Bucay, Abra.
Ayon sa ulat, nag-overtake sa sasakyan ang trak na minamaneho ni Edgar Plete kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Pilar, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Plete.





Comments