Lalo na kung medyo nagkakasawaan na kayo, besh! TIPS PARA MAIBALIK ANG SPARK SA RELASYON

SA romantikong relasyon, siguradong umaabot sa punto na nawawalan ng koneksiyon ang magdyowa sa isa’t isa dahil sa iba’t ibang bagay. Dahil dito, ang ibang mag-partner ay nawawalan na ng pag-asang magkaayos, kaya napupunta sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Hu-hu-hu! Pero no more worries dahil narito na ang mga tip para muli kayong maging feeling connected kay BF o GF:
1. GET RID OF DISTRACTIONS. Hindi lang kapag may importante kayong dapat pag-usapan kundi sa lahat ng pagkakataon, besh! Gayunman, mabuting gawin ang “stop, drop and focus” kung saan dapat mong ihinto ang iyong ginagawa, ilapag ang iyong cellphone at magbigay ng atensiyon sa tuwing makikipag-usap sa iyo ang iyong partner. Okie?
2. HOLD HANDS. Habang nakikinig ka sa iyong partner o habang nag-uusap kayo, oks din kung hahawakan mo ang kamay niya. Ayon sa mga eksperto, nakatutulong umano ito upang magkaroon nang mas malalim na koneksiyon ang bawat isa. Wow!
3. DO ONE THING AT A TIME. Kung kasama mo ang iyong partner, besh, siguraduhin mong isang bagay lang ang iyong ginagawa nang sa gayun ay ma-enjoy mo ang moment. Halimbawa, kung nagluluto o nag-uusap kayo, mag-focus ka rito. Bagama’t, nakasanayan na ng iba ang pagmu-multitask, mabuti rin umano na magbigay ng atensiyon sa bawat bagay na iyong ginagawa.
4. PAY ATTENTION TO THEIR FACIAL EXPRESSION. Bagama’t, natutukoy natin ang emosyon ng indibidwal sa pamamagitan ng tono ng kanilang pananalita, posible rin umano itong matukoy gamit ang facial expressions. Ngunit, may mga pagkakataong hindi natin ito napapansin dahil busy tayo sa ibang bagay habang may kausap. ‘Yun lang!
5. SET NEW BOUNDARIES. Minsan, mga beshy, ang mga simpleng gawain ay nakaaapekto sa relasyon, kaya mabuting magkaroon ng boundaries o kaunting rules. Halimbawa nito ay ang hindi paggawa ng trabaho sa bahay o kaya ay paglalaan ng oras sa bawat isa tuwing weekends. Ang simpleng rules na ito ay mayroong malaking impact na makatutulong sa inyo upang mas maging konektado kayo ng iyong partner.
6. CREATE NEW HABITS. For sure, may kani-kanyang habit ang bawat isa kung saan hindi naiiwasang dito naibabaling ang atensiyon at hindi sa kanyang karelasyon. Hmmm… stop ka muna rito lodi at sanaying magkaroon ng habits na mai-involved kayong mag-partner. Halimbawa, pag-eehersisyo, pagha-hiking o pagkukuwentuhan pagkatapos ng araw ninyo sa trabaho.
7. CUDDLE UP. Ang pagpapakita ng affection sa ibang paraan ay nakatutulong upang maramdaman ng iyong partner ang safety at security sa inyong relasyon. Ang simpleng pagyakap sa isa’t isa pagkatapos ng nakapapagod na araw at pagmamasahe bago matulog ay epektibong paraan upang magkaroon kayo nang mas malalim na pagmamahalan.
Oh, ayan, mga bro at sis, siguradong mapi-feel na ninyong muli ang isa’t isa kapag ginawa ninyo ang mga tip na ito. Kaunting tiis lang dahil magiging okay din ang inyong relasyon.
Have a happy relationship!
Copy?





Comments