Hirap na hirap nang ibalik ang kaseksihan… ISABELLE, TUMABA NANG MANGANAK, NAINSEKYUR
- BULGAR

- Feb 20, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KILALA ang aktres na si Isabelle Daza bilang influencer at open sa kanyang mga opinyon sa maraming bagay.
Sa panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa late-night talk show nitong Tonight with Boy Abunda, inamin ni Belle na hindi niya gustong palaging nasasabihan na “guwapo” ang kanyang anak, at ang dahilan ay ang mundo ng showbiz.
Aniya, “There’s a lot of things that create your identity, even before you know your identity. With my son, I don’t want him to think that that’s the only thing that matters.”
Dagdag pa niya, “It’s hard to be born with fame, you think you’re entitled and you go around the world and you’re kind of lost.”
Naranasan din daw ito ni Belle dahil isa siyang artista rito sa Pilipinas, kaya mas mabait ang mga tao sa kanya.
Matapos ipanganak ang kanyang unang baby, aminado si Belle sa hirap na kanyang pinagdaanan para muling ibalik ang kanyang katawan.
Paliwanag ng aktres, “I’m not going to sugarcoat it. It’s definitely weight. It’s my insecurity. It’s something that I have a problem (with) and it was my truth. I can’t lie about it.”
Naging trending din ang fitness videos ni Belle na talagang hinangaan ng mga kababaihang nagpapapayat dahil fitness goal talaga ang ginawa ng aktres.
Gayunman, nilinaw niyang hindi niya ginawa ang kanyang mga videos para mang-body shame.
Aniya, “I don’t mean to body shame people. I struggled with body shaming myself and I struggled to love myself.”
Pinuri rin ang aktres dahil sa paggawa nito ng kontrata para sa kanyang mga kasambahay.
Kuwento ni Belle, “My husband told me that I need to have contract with the maids because it protects both parties.”
Ayon kay Belle, nagbibigay ng dignidad at sumaya ang kanyang mga kasambahay nang makatanggap ng kontrata.
Aniya, “It also gives them dignity to have a piece of paper. Of course, people are always scared to lose their jobs, right? So, I also had to explain to my helpers that ‘Listen, I can’t fire you just because I’m in a bad mood or I’m hungry.’ They were very touched. Kasi they didn’t feel like they deserve one.”
Nakapaloob din daw sa kontrata ng kanyang mga kasambahay ang pagkakaroon ng mga ito ng day-off.
Aniya, “Tayo nga napapagod 5 days a week, why do we expect them to be in our house 7 days? They also need a life.”
Bukod dito ay dinodoble rin ng aktres ang savings sa bangko ng kanyang mga kasambahay tuwing Disyembre.
“I also help them save. (Sabi ko) Titingnan ko kung magkano na ang naipon mo and dodoblehin ko and I think that gets them to have a target also.”





Comments