2 kelot dedbol sa riding-in-tandem
KIDAPAWAN CITY—Dalawang lalaki ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Quezon Boulevard, sa lungsod na ito.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Castillon Sumatra, residente ng Bgy. Bajada, Davao City at Oscar Labonida, residente ng Magpet, North Cotabato.
Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo sina Sumatra at Labonida nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa mga biktima.





Comments