2 bigtime tulak timbog
- Pabs Hernandez III
- Feb 20, 2019
- 1 min read
CEBU—Dalawang bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Naga City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina John Pantorilla at Brisnec Quipada, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 80 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat nina Pantorilla at Quipada.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments