Ugali at asal ng kandidato, malaking factor para manalo

NADISKARIL ang ikatlong telco na Mislatel.
Tagumpay ang 2 bigtime!
◘◘◘
BIGO sina Sen. Jinggoy at Sen. 'Bong' sa pag-endorse ni P-Digong.
Hulaan ninyo kung bakit?
◘◘◘
ANG negatibong sitwasyong ito ay maaaring ikatalo ng dalawang aktor.
Sa mga nagdaang eleksiyon, palaging nasa Top 5 ng mga survey ang magkumpareng dating senador.
Pero sa resulta ng mga nagdaang survey, imbes na makaangat, unti-unti silang bumabagsak!
◘◘◘
MAS maganda ang “kapalaran” ng kapwa nila aktor na si Lito Lapid.
Iisa lang ang taktika ni Lapid.
Ito ay ang manatiling mapagpakumbaba!
◘◘◘
ISANG aral ang matutunan kay Lapid.
Ito ay nagpapatunay na hindi kuwalipikasyon, talino, edukasyon at kakayahan ang nagpapanalo sa kandidato!
◘◘◘
MAS malaking factor ang ugali, asal o behavior ng kandidato.
Kailangan maging matapat, mabait, praktikal at mapagpakumbaba ang kandidato.
Alalahanin natin, ang hahatol o boboto ay hindi mga Mahistrado, bagkus, mga ordinaryong tao na nasa ibaba ng lipunan!
◘◘◘
MAHALAGA sa mga botante ay makitang seryoso at mabait ang kandidato kahit “peke lang”.
‘Yan ang mapait na katotohanan!
◘◘◘
HABANG naghahambog ang kandidato na mareresolba niya ang lahat ng problema sa lipunan, lalong hindi siya iboboto.
Kasi panloloko ‘yan at pambobola sa mga botante!
◘◘◘
TANGGAPIN nating hindi malulutas ang mga problema.
Hindi isang “anghel” ang kailangan sa gobyerno!
◘◘◘
NASUNOG ang “lucky car” ni Sen. JV.
Sa mistisismo, ang “buwenas” ay siya ring “malas” at ang malas ay siya ring suwerte!





Comments