top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sey ng experts… MGA TAONG MAY MATAAS NA MORAL, KAKAUNTI ANG KAIBIGAN!

  • Jersey Sanchez
  • Feb 19, 2019
  • 2 min read

WALANG masama sa pagkakaroon ng mataas na moral dahil may kaug­nayan ito sa prin­sipyo ng tama o mali, pero, siguradong may mga pagkakataon na hindi natin naa-appre­ciate ang mga biro dahil naaapektuhan nito ang pakikisama natin. Samantala, knows ba ninyong ayon sa mga eksperto, ang mga indibidwal na mayroong mataas na moral ay mayroong kakaunting kaibigan? Hala!

Ang sense of humor ay maaaring makatulong sa lahat ng pagkakataon, gayundin, ito ay posibleng maging simula o makasira ng magandang samahan. Pero, ayon sa mga eksper­to, ang mga indibidwal na mayroong sense of humor ay nagkakaroon ng mara­ming kaibigan dahil madali umano silang makisama at maka-relate sa iba’t ibang uri ng indibidwal.

Bagama’t, ang ‘dark humor’ ay maaaring ma-appreciate ng iba, hindi lahat ng tao ay may parehong pagtingin dito.

Ayon sa pag-aaral na nai-published sa Journal of Personality and Social Psychology, ang mga indibidwal na morally conscious ay nahihirapan umanong maka-appreciate ng mga ganitong uri ng humor kung saan nakaa­apekto ito para maka-relate sa kanila ang ibang tao.

Ang nasabing pag-aaral ay pinangunahan nina Kai Chi Yam at Christopher Barnes mula sa University of Washington. Napag-alaman ng mga ito na ang indibidwal na hindi gaanong nagbibigay ng pagpapahalaga sa mo­ralidad ay mayroong sense of humor kumpara sa mga morally conscious na indibidwal.

Sinuri ng mga researcher ang moral self-image ng mga kalahok kung saan inatasan ang mga ito na ilarawan ang mga sitwasyon na sila ay kailangan morally behaved, gayundin, nag-evaluate ng mga joke at ipinahayag ang kanilang mga opinyon tungkol dito.

Samantala, lumabas sa resulta na ang morally conscious na indibidwal ay may kakaunting sense of humor kumpara sa mga kalahok na mayroong mataas na ethical self-perception na mas magaling sa pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao, gayundin, sila ay matulungin.

Maliban pa rito, ayon sa mga researcher, ang mga joke na mayroon ang tao ay may antas ng moral violation.

Gayunman, ang lahat ng indibidwal ay mayroong moral mindset kung saan kinukuwestiyon ng mga ito ang kanilang ethics kapag natatawa sila sa mga biro na mali o nakasasakit at hindi dapat maging biro.

Kaya, mga besh, oks lang na magkaroon ng prinsipyo, pero mabuti rin na mayroon tayong mga kaibigan. Kaya make sure na mare-remind mo ‘yung mga BFF mo na maging easy sa kanilang pagbibiro nang sa gayun ay maging masaya kayo nang walang tinatapakang ibang tao.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page