Para sa mga nasaktan, iniwan at nawawalan na nang pag-asa... TIPS PARA MAHANAP SI “THE ONE”
- Donna Thea Topacio
- Feb 19, 2019
- 2 min read

PAGOD ka na bang maghintay ng tamang tao para sa iyo? Naku, huwag kang mapagod, beshy, dahil baka nand’yan lang siya sa tabi-tabi. Hi-hi-hi! ‘Ika nga ng iba, habang nabubuhay tayo, eh, may darating na tamang tao na bubuo at magmamahal sa atin ng wagas. So cheesy! Pero, paano ba natin sila matatagpuan? Don’t worry dahil narito ang ilang paraan para makilala na natin si “the one”:
1. LEAVE THE PAST IN THE PAST. Kapag nakakilala ka na ng bagong tao sa buhay mo, make sure na hindi ka na magbabaon ng negatibong feelings o heartbreaks mula sa nakaraan. Totoong minsan kailangan natin bumalik sa nakaraan, pero hindi para mag-stay kundi para maalala ‘yung mga aral na ating natutunan.
2. YOU WON’T MEET SOMEONE NEW IN YOUR LIVING ROOM. Yes, besh! Labas-labas din ‘pag may time. Paano mo makikilala si “the one” kung sa apat na sulok ka lang ng iyong kuwarto palaging tumatambay? He-he-he!
3. GIVE THE GUY A CHANCE. Kung may mga nagpaparamdam na sa iyo, besh, tapos feeling mo, eh, keri naman ang personalidad, grab it! Getting to know each other stage pa lang naman kayo at hindi mo pa naman siya sasagutin kaagad. Chance is important. Copy?
4. LOOK AT BLIND DATES LIKE A FIRST DATE. Sa tuwing may makade-date ka, dapat ay seryosohin at ramdamin mo ‘yung moment na kasama mo ‘yung bagong taong maaaring magkaroon ng parte sa buhay mo. Ganern!
5. TIME IS ON YOUR SIDE. Nasa iyo ang desisyon at ikaw ang may hawak ng oras mo. Sa totoo lang, may mga bagay tayong dapat na minamadali at mayroon din namang hindi, pero choice mo na kung ano ‘yung sa tingin mong hindi dapat minamadali. Okie? He-he-he!
Oh, ayan, mga beshy, huwag ninyong pahirapan ang inyong mga sarili dahil madali lang naman talagang mahanap si “the one”, lalo na kung si Lord ang nagsusulat ng inyong love story.
Huwag kayong sumuko sa pag-ibig dahil kailanman ang pag-ibig ay hindi tayo susukuan.
Okay ba? He-he-he!




Comments