top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para mas madali, i-schedule mo ito every month, teh! MGA PARAAN NA MAKATUTULONG SA PAGIGING MALINIS

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 19, 2019
  • 2 min read

PANG-ILANG taon mo ng New Year’s Resolution ang pagpapanatiling malinis ang inyong bahay? Hmmm… kung medyo matagal na at hindi mo pa rin ito natutupad, lodi, dehins mo na kailangang mag-worry dahil narito na ang monthly cleaning schedule na makatutulong sa inyo upang mapanatiling malinis ang inyong tahanan hanggang sa pagtatapos ng taon:

1. JANUARY: PLAN & DECLUTTER. Siguradong marami kayong natanggap na kagamitan noong Holiday Season, it’s time para mag-declutter ng mga gamit na gusto na ninyong palitan nang sa gayun ay hindi magmukhang bodega ang inyong bahay.

2. FEBRUARY: CHECK NEGLECTED AREAS. Blinds, curtains, kitchen cabinet at ilalim ng lababo — ito ang mga ‘neglected area’ na tinutukoy dito. Ang mga nabanggit na bahagi ng bahay ay posibleng matambakan ng alikabok at bakterya, kaya silipin ang mga ito at linisin.

3. MARCH: EXAMINE INVISIBLE AREAS. Magandang panahon ito upang i-rearrange ang mga kagamitan na hindi madalas nagagalaw tulad ng ilalim ng kama, sofa at cabinet. Copy?

4. APRIL: SUMMER SPURGE. Dahil summer season, magandang pagkakataon din ito upang linisin ang inyong garahe sa gabi at tanggalin ang mga nakaimbak dito. Diretso paligo na para presko, ‘di ba?

5. MAY: AIM HIGH. It’s time para linisin ang mga itaas na parte ng mga kagamitan tulad ng ibabaw ng ref at iba’t ibang uri ng mga cabinet. Ito ay upang maiwasan ang pagdami ng alikabok sa nasabing mga kagamitan.

6. JUNE: TIME FOR D.I.Y. Dahil ikaanim na buwan na ng taon, perfect timing ito para mag-repair o mag-retouch ng mga kagamitan. Kabilang na rito ang pagpipintura ng kuwarto at paglalagay ng mga palamuti na babagay sa inyong bagong kuwarto.

7. JULY: CLEAN WINDOWS. Habang maliwanag pa dahil wala pang tag-ulan, tara at maglinis na ng mga bintana at dahil medyo maliwanag pa, siguradong makikita ninyo ang mga dumi na mayroon ang inyong mga bintana.

8. AUGUST: BREATHE. Rainy season na kaya pahinga muna, mga lodi, ngunit, siguraduhin niyno na nakapaglilinis pa rin kayo ng inyong bahay kahit paunti-unti. Okie?

9. SEPTEMBER: FLOOR. Mara­ming parte ng inyong bahay ang nalinis na kaya it’s time para pagtuunan ng pansin ang sahig dahil for sure, kahit nalilinis ito ay mayroon pa ring alikabok ang natitira rito lalo na kung mayroon kayong mga alagang hayop.

10. OCTOBER: STORAGE. Kung mayroon kayong bodega, mga lodi, panahon na para simulan itong linisin lalo na kung may plano kayong maglagay ng mga dekorasyon sa halloween at Pasko. Ang paggawa nito sa unang linggo ng buwan ay makatutulong upang malaman ninyo kung gaano kalaki ang espasyo na puwedeng lagyan ng mga dekorasyon.

11. NOVEMBER: APPLIANCES. Tulad ng paglilinis ng bahay, siyempre dapat well-maintained din ang ating mga kagamitan tulad ng ref, oven, washing machine at iba pa. Magandang pagkakataon ito upang itsek kung puwede pang magamit ang ibang appliances.

12. DECEMBER: DETOX. Ang huling paglilinis ng taon ay para sa parating na Holiday Season kung saan posibleng maging venue ng party ang bahay ninyo, gayundin, linisin ninyong mabuti ang banyo at kusina para hindi nakahihiya sa mga bisita. He-he-he.

Mga mamshie, tiyak na matutupad ninyo ang pagkakaroon ng malinis na bahay dahil sa cleaning schedule na ito. Tandaan, cleanliness is next to Godliness, kaya linis lang nang linis hangga’t kaya pa ninyo. He-he-he!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page