top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 tulak dedo sa drug-bust

Pabs Hernandez III
Feb 19, 2019
1 min read

LAGUNA—Dalawang drug pushers ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Santiago 2, San Pablo City sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Pastor Barcenas at Miguelito Manalo, kapwa residente sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nahalata nina Barcenas at Ma­nalo na mga pulis ang katransaksiyon nila sa drug deal kaya pinagbabaril nila ang mga awtoridad.

Agad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang dalawang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page