top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Salvage victim natagpuan

Pabs Hernandez III
Feb 18, 2019
1 min read

ISABELA—Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan, kamakalawa sa bakanteng lote sa Bgy. San Felipe, Ilagan City sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si George Dangpalan, nakatira sa nasabing lalawigan.

Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng bala sa naturang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo sa krimen at makilala ang pagkatao ng mga salarin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page