top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad… BEBOT NA NAKATAKDANG MAGKA-BF SA SUSUNOD NA TAONG 2020

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Naisipan kong kumonsulta sa inyo upang ipabasa ang aking kapalaran. Ako ay ipinanganak noong September 23, 1979 at hanggang ngayon ay wala pa rin akong BF. May chance pa kaya ako na makapag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya?

  2. Sa career, ano ang dapat kong gawin para makapag-ipon ako?

KASAGUTAN

  1. Naalala ko tuloy bigla ‘yung madalas kong sinasabi sa inyo na hindi totoong nakatakda ang kapalaran, bagkus, kadalasan kalahati lang ang nakatakda at ang kalahati naman ang gagawin natin. Paano nangyari ‘yun?

  2. Ganito ‘yun, halimbawa, may punong mangga sa harap ng bahay ninyo na nagkaroon ng bunga at siyempre dahil hindi mo kinukuha, ‘yung mga bunga ng mangga ay unti-unting nahihinog sa sanga. Pagkatapos, lumipas ang ilang araw, hinog na hinog na ‘yung mga mangga. Ano ang mangyayari?

  3. Tama ka, kung hindi ito mahuhulog sa lupa, tiyak na kakainin ang hinog na mangga ng mga ibon o kaya ay masisira rin ang mga ito. Kapag nahulog na ang mangga sa lupa, unti-unti na ‘yang mabubulok hanggang sa hindi mo na mapakikinabangan pa.

  4. Gayundin, ang buhay ng tao, kapag hinog ka na, mas maganda kung mag-aasawa ka na kaysa matulad ka sa mangga na nahulog sa sanga, nabulok sa lupa hanggang sa hindi na napakinabangan.

  5. Samantala, dumarating ang magagandang kapalaran sa saktong panahon sa ating buhay. Kaya nga lang ang problema, hinog na ang mangga, pero ayaw mo pang kumilos.

  6. Sa ganu’ng paraan, ang tadhana ang nagbibigay ng magagandang kapalaran, siya ang instrumento para mahinog ang mangga habang ikaw naman ang gagawa ng paraan upang pitasin ang hinog na mangga.

  7. Sa totoo lang, puwede ng mag-asawa ang mga taong may mga edad na 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 32, pero ‘yung iba, lagpas-lagpas na sa mga edad 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39 at ‘yung iba umabot pa ng 40 hanggang 45, ayaw pang mag-asawa. Ang tanong bakit kaya ayaw pa nilang mag-asawa?

  8. Maaaring wala talaga sa kanilang plano na mag-asawa, pero, paano kung mayroon?

  9. Gayunman, makapag-aasawa ka, Marie Joy, kung pagdudugtung-dugtungin mo ang pagsulat sa iyong lagda. Oo, magkahiwalay kasi ‘yung mga letrang “h” at “d” sa “Cruz”. Ang kailangan, magdugtung-dugtung ang mga ito upang sa ganyang lagda, tuluy-tuloy na lumakas ang iyong libido, patungo sa masaya at romantikong pagnanasa na magkaroon ng karelasyon.

  10. Kumbaga, sa rosas na nakatanim sa paso, kaunting alaga at dilig ang kailangan mo upang maging maganda ka ng bulaklak. Samantala, sa pag-aasawa, kahit sabihin pang 39 years old ka na, wala namang kaso ‘yun kung gusto mo talagang mag-asawa na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng magkahiwalay na Head Line at Life Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung buo ang iyong loob ay kayang-kaya mong gawin ang anumang gusto mo sa buhay.

DAPAT GAWIN

Huwag kang malungkot at mawalan ng pag-asa, Marie Joy, dahil ayon sa iyong mga datos, kung sisimulan mo ng pagdugtung-dugtungin ang iyong lagda, tuluy-tuloy ng matutupad at kusang mangyayari ang lahat ng mga pangarap at adhikain mo sa buhay kung saan makapag-aasawa ka at magkakaroon ng simple at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari at matupad sa taong 2020, sa edad mong 41 pataas (Drawing A. at B. 1-M arrow b. at h-h arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page