Lalo na sa mga pinaasa riyan sa wala…7 TIPS PARA MAKA-MOVE ON KAY CRUSH, ALAMIN!
- Jersey Sanchez
- Feb 18, 2019
- 3 min read
No Problem

LOVE month pa rin ngayon, pero hindi para sa mga beshy natin na dapat nang mag-move on sa kanilang ex-crush. Hu-hu-hu! Itaas ang kamay ng mga dapat nang i-uncrush ang kanilang hinahangaan dahil na-crash nila ang inyong puso. Ouch! Pero, no need to worry dahil we got you, lodi! Narito ang ilang tips para maka-move on kay ex-crush:
1.TALK YOUR FEELINGS WITH SOMEONE YOU TRUST. Ito ang una naming maipapayo sa iyo, beshy. Ayon sa mga eksperto, ang pagbabahagi ng iyong emosyon sa taong pinagkakatiwalaan mo ay nakatutulong upang mabawasan ang lungkot na iyong nararamdaman. Ang mga taong ito ay puwedeng kaibigan, kapatid, mga magulang o kaya naman ay therapist mo. Sa ganitong paraan, maaari kang makatanggap ng payo base sa experience nila. Nabawasan na ang lungkot mo, nakakuha ka pa ng tips kung paano makamu-move on. Ayos!
2.WRITE OUT IF YOU CAN’T EXPRESS YOUR EMOTIONS. Kung hindi mo talaga kering makipag-usap nang face-to-face, nakatutulong din ang pagsusulat ng iyong nararamdaman. Kumuha lamang ng notebook at ballpen upang maisulat mo kung ano ang mga bagay na nakapagpapalungkot at nakapagpapasaya sa iyo, gayundin ang mga bagay na gusto mong baguhin sa magandang paraan. Gawin mo ito araw-araw at muling basahin ang iyong mga naisulat pagkatapos ng isang buwan. Sa ganitong paraan, mapapansin mo ang mga pagbabago at ang proseso ng iyong pagmu-move on.
3.CUT OFF CONTACT WITH YOUR CRUSH. Sad-to-say, pero upang tuluyang maka-move on, dapat mo nang putulin ang kahit anong contact mo sa iyong ex-crush. Hu-hu-hu! Extra challenge ito para sa mga beshy natin diyan na katrabaho, kaklase o kapitbahay si crush. Ayon sa mga eksperto, ito ang pinakamabisang paraan upang maka-move on dahil nakatutulong ito upang hindi mo na siya kausapin pa.
4.UNFOLLOW HIM/HER. No more updates mula sa kanya dahil kailangan mo na siyang i-unfollow. Hu-hu-hu! Bagama’t, mahirap itong gawin, ayon sa mga eksperto, mas mabuti nang i-unfollow at i-unfriend mo na si crush sa iba’t ibang social media accounts niya dahil for sure, hindi mo maiiwasan ang pag-i-scroll sa kanyang account. Mas oks na ito kaysa kung ano pa ang ma-like natin sa kanyang account at mahalatang nang-i-stalk pa tayo. Ha-ha-ha! Unfollow na para ma-uncrush mo siya, ha?
5.FOCUS ON YOU. Habang nagmu-move on ka, huwag kang malungkot dahil dapat pak na pak ka kapag naka-move on ka na! Gamitin ang panahong ito upang lalo mo pang kilalanin ang iyong sarili. Paano? Ano ang mga bagay na gusto mong gawin? Saang mga lugar ang gusto mong puntahan? Sey ng experts, magandang gumawa ng mga bagong bagay tulad ng mga nabanggit sa itaas upang maiba ang iyong nakasanayang routine. Okie?
6.BE KIND TO YOURSELF. Huwag kang malungkot kung hindi ka crush ng crush mo, beshy! Bagkus, gawin mo itong dahilan para lalo mong mapabuti ang iyong sarili. Makalilimutan mo rin siya, basta ang mahalaga ngayon ay sarili mo ang iyong priority. Copy?
7.REMEMBER THAT NO ONE IS PERFECT. Aminin na nating nakakikilig talagang magkaroon ng crush, lalo na kapag nai-imagine natin ang mga bagay-bagay na kasama sila. ‘Yun, oh! Pero, dahil nagmu-move on ka na, beshy, why not na makipag-bonding ka sa iyong mga kaibigan? For sure, may mga kaibigan tayong magpapaalala ng “flaws” ni ex-crush. Sa ganitong paraan, tatatak sa ating isipan na walang taong perpekto.
Mga beshy, crush lang ‘yan, marami pang iba riyan. Charot! Kidding aside, sana ay makatulong ang tips na ito nang sa gayun ay makalimutan na ninyo ang inyong crush na nang-crash ng inyong puso.
Stay happy!
Copy?
Comments