Lalaking ayaw ng ipagpatuloy ang passion sa pagtugtog at pagkanta
- ROMA AMOR
- Feb 18, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Ramil, 32 years old. Sa ngayon ay mayroon akong banda, kaya lang naisip kong buwagin na ito dahil nawawala na ang passion ko sa pagtugtog at pagkanta, gayundin na gusto ko ng mag-focus sa pamilya ko. Tama ba ang gagawin ko? Sana, mapayuhan ninyo ako. — Ramil
Ramil,
Alam mo, bro, minsan may mga bagay talaga tayong gustong i-let go dahil pakiramdam natin, eh, hindi tayo umaangat o walang nag-i-impove sa atin. Sa ngayon, ang maipapayo namin sa iyo na pag-isipin mong mabuti ang balak dahil hindi ‘yan basta papel na ganu’n mo na lang itapon. Naniniwala kami, bro, na malalagpasan mo rin ang pinagdaraanan mo ngayong pagsubok. ‘Ika nga, wala naman ibinibigay si Lord na hindi natin malalagpasan, kaya kapit lang. Magtiwala ka lang sa Kanya at paniguradong hindi ka Niya bibiguin. Laban! Good luck at God bless sa iyo!





Comments